12weeks TVS result no heartbeat ??

Mga mommies anong pede ko pang gawin kasi di ako makapaniwala talaga na walang heartbeat si baby. May 2nd baby na miscarriage na po ako then ngayon pa 3rd baby ko na po ito, currently 12 weeks today. Ngpa TVS kmi kanina then sabi ni OB may baby kaso walang heartbeat. Then mababa din ung pwesto ng placenta, actually nakita sa ultrasound dun siya sumiksik sa CS Scar ko, sa pinag operahan ko which is sabi ni OB kapag ngbleeding ako pwedeng maging madugo talaga at high risk un at aalisin niya ovary ko pag nagkataon. Pina sstop na po niya ako ng duphaston, aspirin, folic at fish oil.. Baka daw anytime duduguin na ako, need ko passed out lahat 10days ung binigay niya sken. Then kapag di pa din siya nailabas in natural way, D&C ulit ako.. Sabi pa ni OB after daw nun i-Blood Work up ako para itest kung may APAS o infection, bacteria.. halos di na ngssync sken mga snasbi niya kanina talaga, natulala na lang ako.. Nagdadalawang isip tuloy ako kung ititigil ko ba mga gamot ko o itutuloy ko. Di ko din kayang ipatanggal toh ??? kasi compared dun sa 2nd baby ko wala talagang nging development yun, pero etong ngayon meron as in lumalaki tyan ko, antukin ako, sumasakit breast ko at bumigat ako. Di lang ako ng susuka pero nahihilo ako at nagkaroon ang mga pasa ngayon. Kya alam kong may baby talaga ako this time. Di ko alm kung paano ko ieexplain ung feelings ko ngayon. Sabi ng nanay ko hintayin ko pa 1month then saka ako pa ultrasound ulit, kasi sabi niya ung baby ko daw may balot sa loob kaya talagang nahihirapan marinig ung baby. Sino po naniniwala dun, bukod sa sac nila may balot pa si baby... pls penge naman po akong advice kung paano gagawin ko.. ?? TIA...

12weeks TVS result no heartbeat ??
10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Updates lang po mga mommies, share ko lang po. We lost our baby again for the 2nd time. CS Scar Pregnancy ung tawag ng OB ko ngayon kasi ngpa 3rd opinion kami ni hubby at recommended din siya nun previous OB ko sa mga ganitong case. So since nasa scar ko siya at wala din heartbeat ininjectionan ako ng methotrexate kasi bawal akong iraspa. Mapupunit daw ung tahi ko at madami pang madadamay. So ung methotrexate is ginagamit nun may mga cancer. Tutunawin niya si baby at bumagsak ang immune system ko. Un ang risk nun gamot ko, weekly nakamonitor ang OB ko sken, weekly akong bnblood testing, isolated ako sa room ko bawal ang bisita sa bahay, then ung family ko naman mayat maya alcohol, ligo as in kailangan malinis talaga. Bawal akong mahawahan ng kahit anong sakit. Ngstart na ako mag spotting nun May 2, 3 days after the injection. After election day, May 14 ayun na naka napkin lang ako nun umaga pag gising may lumabas lang na buong dugo so relax lang ako kasi expected namin na pra lang akong magkakamens nun. 7:30am nun biglang may bumulwak sken as in kalat ung dugo sa sahig namin pati suot kong damit puro na hanggang sa umabot na every 5mins ganun nangyayare sken. Di na ako naka alis ng cr kasi para akong umiihi na ng dugo na drdrtso hanggang sa nanghina na ako. Bumagsak na BP ko 80/60. Pagdating namin hospital wala na daw akong malay, 4 na doctor na ung humawak sken kasama ung OB. 50-50 ako that time, nagiiyakan na family ko pati ung isa kong anak. Sinalin ako ng dugo 2bags bago ako pinasok sa OR kasi wala na talaga bagsak lahat heartrate, pulse, BP ko.. ang ng caused ng severe bleeding ko is may naiwan pa dun sa collar ng cervix ko kaya ako dinugo ng grabe, akala ko patay na ako nun. Di ko ineexpect na aabot kami ni baby sa ganun point. Prang feeling ko ayaw pa din niya akong iwan gusto niya magkasama kmi. Until now, sobrang sakit kasi ginawa ko naman lahat, sinunod ko ang OB, di ako ng dalawang isip nun malaman kong buntis ako ngresigned agad ako khit ayaw akong payagan ng company ko at pinag leleave lang ako, ginawa ko pa din iwan trabaho ko pra sa kniya.. kaya sabi ko Lord, anong plano mo at ayaw mo akong magkaroon pa ng isang anak. Un lang hinihingi nmin magasawa sa kniya. 😭😭😭😭 🙏🙏🙏🙏

Magbasa pa

momshie, malungkot talaga yan...kaya lang pwede ka magkaroon ng infection if di mo susundin ung OB mo na antayin ng 10days at d&c pag di lumabas. di ko personally alam ung pain ng miscarriage pero i've seen people who had one. ang advise ko lang sayo is sundin mo lang muna no si OB mo and magpakalakas ka in preparation for your next baby...also, seek guidance from our Lord Jesus. kaya mo yan, i'll pray for your immediate recovery!

Magbasa pa

nakaka-sad naman yan mommy. pray lang po. try mo magpa 2nd opinion mommy. pacheck up ka sa iba. bat TVS parin ultrasound mo? hindi pa ba kita pag sa tyan? 13weeks kasi ako nung 1st ultrasound ko, pelvic na ginawa nun. kitang kita na si baby ko na very healthy. try mo pacheck up sa iba mommy and pray lang palagi. 😇😇

Magbasa pa

Momshie keep praying po .. magtiwala kalang kay god sa mga plans nya , magrelax ka and intindihin mo yung sitwasyon ng maayos, kausapin mo din si baby mo sa tiyan mo na kumapit lang sya ..godbless you and your baby momshie

Keep praying mommy, pls be strong si God laging may plano at may purpose sa buhay mo :( I know it is very painful right now

VIP Member

Mag second opinion ka po. Godbless 😌 tatagan nyo po 💓❤ keep on praying lang po

mommyyy nagtry ka na po ba sa ibang OB? magpasecond opinion po kaya kayo?

6y ago

Ppunta po kmi ngayon sa isang specialista ma nirecommend ng OB ko. 2am kanina tumatawag siya di ko naman po nasagot. Then ng msg siya sken ang dami na sinasabi based sa pagaaral niya simula khpon nun umalis ako sa clinic niya ectopic pregnancy kasi nsa previous CS scar ko nga siya. So pinapupunta niya ako ngayon dun for 2nd opinion and for chemo therapy. Need daw maagapan kasi numinipis na ung lining ng matres ko at naiipit ung scar ko. Di daw agad pdeng raspahin ng di dumadaan sa chemo. 😭😭😭

Ang hirap po talaga niyan. My prayers po sa inyo ng family mo.

Subukan nyo po magpalit ng ob

Dasal ka lang moms