Tara kwentuhan Vaginal & Cs delivery share your kwentong panganganak mommy

Hello mga mommies anong kwentong panganganak nyo?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

madugo yung naging experience ko. cs kase ako.. bali akala ko magnonormal delivery ako eh pero nauna pumutok yung panubigan ko, pero nag trial yung ob ko for induce labor.. 8hrs akong iniinduce.. tiniis ko yung sakit kaso nga lang di kinakaya ni baby kaya bumababa ang heart rate nya kaya ayon ecs ang inabot, akala ko matatapos na ang paghhirap ko, mas malala pa pala.. akala ko within 48hrs ay makakauwi na kami, kaso mga mima ang lola nyo hindi agad nakaihi 3x akong sinalpakan ng catether, nung unang tanggal nun okay naman nakaihi naman na ako kaso masakit kinagabihan di na ko nakaihi wala talagang nalabas as in kahit patak, lumagok ako ng 4Liters that night. kaso waepek lalong namintog ang puson ko halos mahimatay na ako sa sakit ng pantog ko.. grabe ang gabing yon sobrang saklap kaya kinabukasan nagdecide ulit ob ko na icatether ulit ako for 24hrs guminhawa pakiramdam ko nun.. 4Liters yung nakuha nilang ihi sakin πŸ˜… akala ko maaalwan na ako, after 24hrs tinanggal ulit catether, pero after 6hrs kahit ihing ihi na ako wala pading nalabas.. mygooood another stress nanamn.. halos tawagin ko na lahat ng santo para lang makaihi ako pero wala talaga, kaya si ob nagcontact na ng uro para macheck ako wala naman daw akong infection or else, msyado lang daw nastress bladder ko kaya suggest nya na mag catether ako for a week.. mga mimaaaa depressed na ko nun umuwi akong may sukbit na catether, sobrang hirap.. gabi gabi naiiyak ako kasi di ako makakilos ng ayos, di ko maalgaan nb ko.. then etong araw lang, ang balik ko sa uro, sabi nya trial tayo, tanggalin na natin yan.. at naniniwala syang makakaihi narin naman daw ako.. kasi 1 week is enough na daw yun at nakatake narin naman ako ng uriflow.. and di talaga ako umaalis ng ospital hanggat wala akong inilalabas na ihi, uminom ako tubig, mga 4 lagok.. πŸ˜… then nagstay ako sa cr for 30minutes, malapit na ako mastress nanamn dahil may pakiramdam nakong naiihi pero di ko mailabas.. mejo iniri ko ng onti may lumalabas na naihi.. mejo naalwan ako, then 2nd try ako ayun may lumabas ulit pero need padin ipush so nagdecide na ako umuwi.. uminom ulit ako 1 glass of water then try ulit umihi, may lumalabas na although need mo ipush padin and sana magtuloy tuloy na ang pag ihi ng normal, trauma talaga sakin yang catether nayan.. and i hope di na ako masalpakan dahil sobrang hirap, if ever, kung meron mang same case ko dito, hopefully makaihi na tayo ng normal.. πŸ˜‘

Magbasa pa