Tara kwentuhan Vaginal & Cs delivery share your kwentong panganganak mommy

Hello mga mommies anong kwentong panganganak nyo?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nung umaga nagpacheck up ako kasi weekly na check-up pagmalapit na sa due date diba? Pinaalis ko pa asawa ko papunta Batangas kasi may trabaho siya. Di ni siya pumasok ng umaga kasi akala niya manganganak na ako. Nung pinaalis ko siya ng tanghali nasakit na tiyan ko. Pero natitiis pa naman. Pero nung tuluyan na siyang umalis sunod sunod na paghilab. Magkachat pa kami habang nahilab haha. Tapos natiis ko yung sunod sunod na sakit hanggang 4pm. Yung biyenan ko nagluluto ng meryendahin na saging, sabi ko titiisin ko pa kasi gusto kong kumain ng saging hahaha. Tapos sinilip niya ako sa kwarto nakatuwad na ako sa may cabinet. hahaha Eh di ayun na nga hahaha. Tanong niya sakin kung kaya ko pa daw, sabi ko medyo po. Pero nung lulutuin na niya yung huling salang nung saging tinanong niya ulit ako sabi niya kung kaya ko pa daw sabi ko hindi na pumunta na kami sa lying in haha. Tapos pagpunta nga namin dun. In-IE pa ako. 5cm pa lang daw. So kami nagantay pa kasi medyo maliit pa daw ang lalabasan ni Baby. Ang sabi tumagilid daw ako para hindi masyadong masakit pero hindi ko matiis hahah. Bumababa ako sa kama kapag nagcocontract halos hindi ko na pinansin kung madulas ako o hindi. Basta makababa lang hahaha. Tapos dinala ako sa anakan na talaga. Wala pa daw hindi pa daw pumuputok ang panubigan kaya pinahiga muna ulit ako sa room. Tapos hiyang hiya pa ako kasi nakabukaka ako na parang umiire pa rin. Tapos tinitingnan nung midwife everytime na naire ako. Nakakahiya talaga pero wala na akong paki basta makaanak na tapos nung nasa anakan na ako. Hindi pa rin lumabas si baby. 4 hrs akong umire at sa wakas nailabas ko ng normal si Cane. Thank you hahahaha

Magbasa pa