Tara kwentuhan Vaginal & Cs delivery share your kwentong panganganak mommy

Hello mga mommies anong kwentong panganganak nyo?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Schedule for check up 9AM tapos di na ako pina uwi dahil iccs na daw ako, nung una ewan ko parang di nag sisink in sakin na manganganak na ako, di naman ako kinakabahan ng mag fill out ako ng form ko. si hubby nasa work pa nun nung tawagan ko na manganganak na ako para pauwiin na. pero nung dinadala na ako sa OR, parang natakot ako mga mamii, ganun pala yun, mapapadasal ka talaga. makikita mo yung lugar sa OR. ang lungkot na ewan na nakakatakot, yung tipong mag isa ka lang (although may mga nurses at docs) yung ibig sabihin na mag isa eh, yung mga mahal mo sa buhay di mo kasama di mo masilayan di ka masamahan, kasi harapin na natin, di natin alam ang pwedeng mangyari, (sabi nga nila sa pag manganganak ka yung isang paa mo mamii nasa hukay na) mapapadasal ka talaga sa lahat ng santo na sana makalabas kayo ng maayos ni baby sa lugar na yun. hindi din ako natulog nun, gising ako all the time alam ko lahat ng nangyari hehe, 1pm nasilayan ko na si baby. kahit sa resting room gising ako. natatakot talaga ako na matulog hehehe @5pm nasa room na ako kasama ko na si hubby, ayun, di parin ako makapaniwala na tapos na hehe nakatulog ako madaling araw na. First time ko nga pala maconfine sa buong buhay ko yun lang na manganganak na ako. kaya ganun. hehehe.

Magbasa pa