Safe ba bumyahe sa trabaho ang buntis
Hello, mga mommies! Ako po ay kasalukuyangb12 weeks pregnant naka leave of absence ako sa work mahigit for 2 weeks dahil sa subchorionic hemorrhage pero nag resolve na. Babalik na sana ako sa office kaso nung isang araw ay bigla akong nahilo, nanghina at dumilim ang paningin. Sobrang bilis ko din po magutom pero hnd naman ako makakain ng sobrang dami dahil nasusuka ako pag sobra. Sinubukan din po namin ng mister ko mag motor dahil babalik naman na ko ng opisina kaso habang nasa byahe ay nahihilo ako pag mabilis lumingon o di kaya medyo maalog. Hindi naman po lahat ng oras ganun pakiramdam ko, napansin ko pag gutom eh kaso lagi nga ako gutumin oras oras. Ok lang po kaya na bumyahe ako appasok ng trabaho kahit ganun ang sintomas ko? Safe po kaya yun? Sino po nakaranas na at ano po ang ginawa ninyo? First time mom po ko kaya makakatulong po ng sobra ang mga sagot nyo. Salamat po.