valid po ba yung nararamdaman ko?
Hello mga mommies, #advicepls tama po ba ang ginagawa ko sa buhay ngayon? ganito po kase mga mommies, last week nagkasakit po ako kasabay ng bunso ko na may sakit din, ngayon si hubby, imbes na tulungan akong mag alaga sa 2 naming anak mas inuuna pang mag ayos2 ng mga gamit sa bahay na pwede namang ipagpaliban muna, kumbaga hindi naman sya urgent na kailangan ng ayusin. tas sinabihan ko syang kailangan na naming ipacheck up si bunso kase 2 days na syang may lagnat, ngayon mas inuna pang mag laptop kaysa tulungan akong maghanap ng open na clinic na malapit sa amin. sa asar ko dinala ko na lang si bunso sa pedia na hindi sya kasama kahit masama na din yung pakiramdam ko..ngayon hindi ko sya kinakausap mag 3 days na dahil masama pa din loob ko sa ginawa niya na parang last priority niya kami sa buhay.