Teaching 4 years old kid.
Hello mga mommies! Advice naman para po sa mga naka experience na at kasalukuyang nakakaexperience po sa pagtuturo ng anak edad 4 yrs old. Ang hirap hirap po kasi turuan ng anak ko lalo na po lalaki. Pag po pinagsusulat at pinagbabasa na namin tatakbo na, ayaw na ayaw po talaga. Gusto nya maglaro lang. ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ Any advice naman po kung anong ginawa niyo po especially sa mga nakaranaspo ng gantong sitwasyon. 😓😠thank you po .#firstbaby #pleasehelp #advicepls
depende po sa mood ng bata. ung anak ko kasi, bago siya mag 4yrs old nun pinagtracing ko na muna ng letters. 1-2 letter a day. sa una mahirap po talaga pero tyagaan lang. kaya nung mag day care na siya, exact 4years old nakakasulat na siya.. try niyo po colors muna, bili ng coloring book tas sabay kayo mag kulay at magsulat. parang playtime din po ganun. mas ok na alam na nila letters bago makapag basa..
Magbasa patry incorporating learning through play po. to be honest di pa din ako sobrang tutok sa daughter ko ( 4yo din) though nakakasulat na sya some letters. try nyo po using iodized salt lagay nyo sa isang shallow box to trace letters, use clay it can help po in teaching kids to write. try nyo din po to watch Teacher Celine videos on youtube.
Magbasa pa