Struggle Magpa-Latch
Mga mommies, 4 days old na po baby ko ngayon. Ang issue ko po is nahihirapan akong ipa latch si baby. So bottle feed po sya ngayon, pero may gatas naman na pong nalabas sa breast ko, yung proper latching lang talaga struggle ko. Nakaka frustrate, hindi ko na alam gagawin kong posisyon para maka dede sya ng komportable. Lumalayo sya or umiiwas everytime pinapadede ko sa'kin. Para syang nahihirapan. Mag isa lang po ako at walang mahingan ng tulong kung ano ang tamang gagawin. #1stTimeMom #pleasehelp #advicepls #firstbaby #breastfeeding