36 weeks and 5 days
Hello mga mommies 36 weeks and 5 days preggy and 3cm na daw po cervix ko. Nasakit sakit na po yung puson ko and madalas ang pag ihi ko, nabbothered po ako na baka hindi ko malaman kung pnubigan na po pala ang naiihi ko. Any tips po mga mommies baka mamissed ko po kasi ang pag putok ng panubigan ko🥺 first time mom here

Ito po galing from Doc Bev: PAANO kapag Watery discharge na ang lumabas? ✅ Kelangan ma differentiate nyo muna if IHI or panubigan na ba. 🍿 ang ihi ay amoy ihi 😅 siguro naman alam nyo na ang amoy ng ihi nyo. 🍿 pag panubigan, may certain smell talaga sya, basta hindi amoy ihi, basta may amoy sya, sabi ng patient ko, amoy sperm/semen daw 😅 sabi ng isang patient ko pa amoy chlorox daw. Sabi ni Doc Christine Paredes, amoy balut daw. Ako pag check ko sa patient ko alam ko na din ang smell ng amniotic fluid. Meron na home test kit to check if amniotic fluid na sya. So ganito gagawin nyo: ✅ Note the time na pansin mo sya. ✅ Note the color. ✅ Inform your OB. Hindi kayo matataranta na tatakbo na agad dahil napanood nyo sa movie, “ my water bag broke tapos andyan na si baby agad 😅 lalo na if wala naman kayong active labor, asa pa kayo na ganon lang kadali yun 🙄 ✅ Hindi bawal mag panty liner or napkin ang buntis. Mas madali nyo ma appreciate ang dami, and color kapag naglagay na kayo nito. 🍿 iba iba kami pano mag manage ng watery vaginal discharge. If ano oras pupunta sa ospital etc. Sa mga patients ko lang pwede i share yun. Hindi dito kasi baka may magalit na naman sa kin 😅 #Labor #inthecervixofthefilipinopeople
Magbasa pa

