Pa advice po
Hello mga mi. Tanong kulang po ano po yung best advice nyo po 1st trimester kopa ngayon at nag wowork ako now sa office. Nalilito ako mga mi kung mag reresign ba ako kase parang nahihilo ako tuwing nag tatrabaho ako dito sa office eh. Sobrang pagod ng katawan ko gusto ko nalang matulog parati. Tapos nag wo-worry din ako sa financial din eh. Pa advice mga mi. Kayo ba nung 1st trimester kayo nag resign din ba kayo? Thank you mga mi. #Workadvice

sa 2 pregnancies ko, nagwowork parin ako as a nurse sa public hospital so mas pagod at tagtag run, walang upuan,laging lakad dito lakad dyan, nagmamadali mga kilos, ang mali ko lamg nung 1st pregnancy ko, di ko pinangkinggan yung baby ko, kasi kaya ng katawan ko, so di ako nagleave agad, sinulit sulit ko kasi nagnhihinayang ako sa sweldo kasi ang laki ng mawawala pag nagleave na ko agad. pero yun nga, kinuha sya sakin agad due to stress. so sa 2nd pregnancy ko, ang ginawa ko nagpalipat ako sa di gaanong busy na unit at nagearly leave na rin ako nung nafeel kong may kakaiba na sa feeling like backpains, contractions, hilo, etc. di ko na inisip yung pera na sswelduhin ko nun.. if yung work mo ay di stressful, magaan lang, at kaya mo pa, then go work ka lang, pero kung sa pakiramdam mo di mo.kaya, pwedeng magkeave ka muna, hingi ka nga certificate sa OB mo kahit ilang weeks lang, basta okay din sa HR niyo. kung di po okay, laways choose your body and baby. kasi sabi nga napapalitan ang trabaho at pera, pero ang healthy at baby, hindi na once nawala to.
Magbasa paKung di ka po maselan and di naman po stressful yung trabaho mo okay lang naman mi na magwork ka parin. Pero yun nga if feeling mo di mo kaya magwork magresign ka na po kasi mas mahalaga na okay ang pakiramdam mo kumbaga yung katawan at isip mo di napupwersa sa ayaw mong gawin. Ako nun dati mi kasi di ako makatagal ng nakaupo maghapon sa trabaho sumasakit likod ko kaya pinag resign na ako ng asawa ko.
Magbasa papwede naman po ata magamit maternity leave even during pregnancy. pwede nyo po gamitin like ung one month sa 105 days during sa ibang days ng first trimester. pero ako nag-iba ng position sa office eh, sa hindi stressful na unit. also WFH ang new position ko. di ko kasi kaya onsite now kasi bawal matagtag sa byahe lalo last year i had a miscarriage. priority ko now ang baby ko
Magbasa pabetter check with your OB po kasi ako nung nalaman ko na buntis ako 6 weeks pa i ask my OB kung ano best gawin. nag resign ako sa work kasi medyo stressful kasi yung work ko and natakot kasi ako na baka first and last pregnancy ko na kasi 35 nako. nag usap din kami ng asawa ko. medyo mahirap financially kasi siya nalang may work but kinaya naman.
Magbasa paMii same tayo ng experience takot din ako huminto dahil need ko rin ng financial, technical support ako at first time mom. Pero buti nalang at pinayagan ako mag WAH. Try to ask din mi ang manager mo kung kaya ba na mag work-from-home ikaw, baka maintindihan ka rin nila. 🙏
kung kaya naman po work ka pa din mi. sayang kasi. ako ayoko sana tumigil sa work non kaso nagspotting ako. ilang buwan din ako pinag bedrest. buti na lang maganda trabaho asawa ko kaya hindi ako nag worry sa gastos.
much better magresign na lng po kau mhie kung hndi po ngiging maganda ang pkrmdam nio s work..kz bawal po mastress ang buntis..bawal din po mapagod..pra po sa safety ninyo ni baby