Sleeping time

Hello mga mi/momsh πŸ₯° share ko lang po sa nasearch ko if kulang sa tulog may possibility daw na you will have a longer time/days of labor pag nanganak na. Around 2am po Kasi ako nakakatulog gawa Ng inaantay ko bf ko na umuwi galing work, then pasok nya is 2pm kumbaga napapasabay kami Ng gising (Minsan nauuna ako sakanya Ng onting Oras Ng gising) at napapasabay din ako sakanya Ng tulog. So around 2am ako nakakatulog nagigising ako Minsan 10:30am na. Which is nakaka8hrs pa din Ng sleep. Kaso kinaworry ko po is around 2am na nakakatulog late na kumbaga. Kaso halos ganun na po routine ko everyday. Makakaapekto pa dn po kaya yun sa health namin ni baby? Share nyo Naman po sainyo. Minsan po Kasi ako hirap din sa pagtulog e Lalo na nasa 2nd trimester nako. 5 months Preggy. #advicepls #TeamOctoberHere #1stimemom #SoonToHaveBabyBoy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

normal lang sa preggy yan mi mas di ka makakatulog pag asa 3rd trimester ka na ako nga nun inadmit nalang puyat pa kase inatake ako ng sign of labor nun is madaling araw