Newborn Clothes
Hi mga mimmy, first time mom here. Ask ko lang kung ilang set ng clothes binili niyo sa NB baby niyo? And what is more practical to buy 0-3 or 3-6 months na agad? And any recommendation po kung san kayo nakabili? Thank you
Honestly, ni isa wala akong binili. Lahat bigay lang.. π Later na lang kasi kami mamimili pag medyo malaki na si baby, kasi sayang din naman pag di makasya kaagad. Sayang din ang mga bigay na damit eh π
Mga 6 sets lang ng pang 3-6 mos na yung binili ko tapos may mga pabigay from kapitbahay so yun na lang ginamit ng first born ko... Tsaka lang din sa paglalaba para lagi may magamit..
Yung ako po kasi, nang hiram lang sa pinaglumaan ng ate ko.. Kaya Di ko matantiya kung ilan yun, pero medyo madami.. Sayang kasi kung bibili tas saglit lang din naman magamit.
Sakin mas okay nang meron ka nung 0-3 months kahit konti kasi ang sabi lalaki naman din daw agad ang baby so mas marami na yung 3-6 months na mga damit para kay baby
atleast 5 pairs of 0-3 months sis, may mga nabibili sa online na sets na mas mura compare sa malls. okey naman mga tela nya! basa ka muna reviews bago mo siya bilhin
Konti lang bilhin mo momsh, kasi madali lang talaga lumaki si baby. Mas better kung medyo malaki o allowance kung baga. Para mas mataas yong panahon na masuot niya.
Nung panganay ko, 10sets ata pinabili ko. π Pero sa 2nd baby ko, 4sets lang. Kase pinagamit ko sa kanya yung nagamit ng panganay ko. π
Yung good for 1 week then laba.. Yung sa lo ko inorder ko lng online. Ayun maliit naman baby ko kaya nagagamit pa din til now 3 months sya.
3 sets na sleeveless 3 sets na shortsleeves 3 sets na long sleeves. 0-3 mos lahat yan After a month nakakapag sando and shorts na sya. Heh
Magbasa pa6 sets okay na momsh.. 6 sets lng din sakin kasi pag NB madaling lumaki.. Tsaka mas maganda pag may luma kang damit para more extra. π