Yellowish na yung white shirts and sando ni baby

Mga mimma pano ba paputiin ang white shirts ni baby? Cotton talaga yung damit nya pero hirap naman paputiin..ayoko mag tina never ako gunamit non kay baby dahil sinisipsip nya damit nya I'm also using unilove detergent pero tinigil ko dahil hindi nawawala mancha ng mga fruits na kinakain ni baby pati yung tikitiki. I switch to ariel nalang and then 3times banlaw then gamit ng pang baby fabcon pero still yellowish parin.. Ano po maganda gawin mga mommy ? #advicepls #yellowishShirts

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag may mancha, kusot agad ma. Pag natatagalan naman bago ko malabhan, nilalabahan ko muna ng sabon na pang adult (speed gamit namin) tapos mga 2-3 takip mg zonrox. Tapos after isang cycle sa washing machine, nilalabahan ko uli gamit naman sabon nya. Or minsan binababad ko sa mainit na tubig na may sabon. Natatanggal naman.

Magbasa pa

Sa akin ang ginagawa ko, yung mga ginamit ni baby na may mantsa (ex. bib, damit na hinubad na namantsahan ng kinain nya or ng vitamins) kinukusot ko agad using safeguard white. Tanggal ang mantsa, di na rin sya maninilaw. Unilove detergent din gamit ko up to now.

Gamit namin sa mga mantsa, Cycles stain soaker. Nung nagbakasyon kami non ng 1 week yung mga bib ni LO na white nanilaw huhu. Binabad ko lang sa Cycles stain soaker bumalik naman sa pagkaputi

Wag nyo po muna gamitan ng fabcon ang damit ni baby. Hindi advisable ng pedia. Sa pagpapaputi naman po ng damit, try nyo po Perla white. Mild na, nakakatanggal pa ng stains

tried and tested po from generations perla. blue or white. banlawan po agad para matanggal yung dumi then, babad po magdamag sa perla.

1y ago

di po, ipansabon mo lang. tapos ibabad. wag mo na i dissolve. isa isahin mo lang mo pag sabon.

ito gamitin mong sabon mi babad mu over night .. effective sa mga damit na puti .. 🫄👶

Post reply image

Try nyo po ibabad overnight sa tubig na may baking soda at detergent.

Try mo perla detergent mii,babad mo overnight.

perla blue then bilad mo po sa init.

VIP Member

zonrox lempn babad pang po