Pagligo ni Baby

Mga Miii~ sino dito yung hirap din magpaligo kay baby pag may matanda sa paligid? haha, ayaw kasi nilang makikitang pinapaliguan ang baby ng hapon or lagpas 12 na, nung una akala ko gawa ng malalamigan kaya hindi ko din pinapaliguan ng lagpas 12 pm pero nung tinanong ko sa pedia ko pwede naman daw po kahit gabi pa, kaso ang hirap ang awkward magpaligo ng may mga kontra sa paligid lalo na kamag anak no hays.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay naku mommy, tiyak hindi lang pagpapaligo nang late ang problema mo. Hindi talaga maiiwasan, lalo na kapag may elders, na iba-iba ang mga gawi at mga pangangaral nila kung paano magpalaki ng bata. Nakakastress talaga pero depende rin yan sayo. Ako kasi, as long as alam kong tama at walang masama sa ginagawa ko, go lang ako. I consult with my pedia para sure, and do my research. Then I try to explain and educate them patiently and kindly (although minsan, pabalang rin kapag inis na πŸ˜…). Also, need to learn the art of dedma, and "if you have to choose between being right or being kind, choose to be kind"-- meaning iwas din ako sa debate, no comment na lng pero gagawin ko pa rin yung para sakin ay tama. Good luck sayo, mommy...

Magbasa pa