My LO @ 2 y.o. is still can't walk and talk

Hello mga mii, yung anak ko po ay nasa 2 years old na pero hanggang ngayon po ay hindi pa rin siya naglalakad. Nakakahakbang naman na po siya kapag hinahawakan siya para alalayan maglakad pero kapag siya lang mag isa hindi pa po niya kaya. Sa loob naman po ng bahay kaya na niya tumayo mag-isa pero di pa rin po naglalakad. Hindi pa rin po siya nagsasalita, tamang "mama, papa, dada at yaya" lang ang kaya niya bigkasin at ilang mga salita. Nitry ko na po ipa-check sa isa kong friend na related sa psychologist ang work pero wala raw po siya nakikitang deperensya sa anak ko kundi delay lang daw. Pansin ko naman po na nakikipag-communicate siya kahit sa ibang bata na nakakalaro niya. Pero hindi ko po maiwasan mag worry. ๐Ÿ˜”#1stimemom #pleasehelp #firstbaby #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam ko po nakakaworry momsh kaya Pa assess po sa Developmental Pediatrician si baby.. Mas maganda po maaga malaman niyo na agad para magawan na po ng tamang intervention..

VIP Member

Super delayed naman momsh. Baka may global developmental delay siya. Kailangan may therapy siya lalo na sa pag lalakad

3y ago

Kaya nga momsh, sobrang delay po talaga. Goal ko talaga makalakad na siya before 3.