1mo old Karga ng Patayo... Safe ba?

Mga mii, safe po ba kay baby yung karga patayo? Ayaw nya kasi ng pahiga dahil gusto nya lagi tignan yung paligid nya kapag karga sya. Kaya na ni baby iangat ulo nya before 1month pero kapag karga sya alalay pa din ako sa ulo at leeg then yung isang kamay sa lower back. Totoo bang mapipilay bewang nila or madadamage yung spine sa ganitong karga? Ganito din po ba babies ninyo? Thanks in advance sa sasagot.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

iba2 po kasi mga bata. ako din po napatanong ako nito nung may kapitbahay na nagreact sa paghawak ko kay baby. naka baby wrap naman kami tapos partially naka upright si baby. sa tingin ko d naman po delikado basta naka alalay kamay natin sa bandang leeg nila tapos hindi po pangmatagalan. ganyan dn kasi baby ko. sya mismo gusto inaangat yung ulo.

Magbasa pa

oo msyado pa maaga hnd pa ganun kstrong ang bones nyan

1y ago

Pero ganito din kasi karga kapag ipapaburp mii.