Nanganganay lang ba?

Mga mii, normal lang ba tong nararamdaman ko? 🥺 kahapon pa akong absent sa work. Kasi ang sakit ng tyan ko hanggang puson. Nagpacheckup kami nung 27 ok naman. Tapos feeling ko para laging may gustong lumabas s private part ko na hindi ko maintindihan. Btw, ung panganay ko 8 years old Nanganganay lang ba ako? Or dapat ko ikabahala? Kasi yung pinsan ko 2 beses ng nakuhan 🥺 kasi nasakit din puson. Natatakot ako mga mii 🥺 hindi ko magawang umalis sa work kasi minimum sinasahod asawa ko saka may panganay pa ako 🥺 May history ako ng dinugo ako nung 5-7 weeks then 1 month uminom ng progesterone. Iam currently 12 weeks no #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nung 10weeks ako dati, sumakit ang puson ko, cramping, ung feeling na magkakaroon. sinabi ko sa OB, pina TVS niako. nakita na may contraction ako sa loob. threatened abortion daw un. kaya pinag bedrest niako at pampakapit. ginawan ako ni OB ng letter para sa company kung saan ako nagwowork na need ko magbed rest for 2 weeks. after 2 weeks, pina TVS niako ulit. wala na ung contraction pero may cramping pa rin. another 2-week bedrest at pampakapit. after nun, ok na. wala nakong naramdaman. balik nako sa work hanggang sa nanganak. nasa 1st trimester kau. wag na lang kau masiadong gumawa ng mabigat na trabaho. pagdating sa bahay, bed rest na lang muna kau.

Magbasa pa
11mo ago

1st tri is until 3months or 15weeks.

Dapat kse sis nka-bed rest ka. Considered as high risk ka kase nakunan ka na pala dati. 12 weeks ka palang dapat umiiwas ka muna sa stress at pagod. Mas maganda pa-ultrasound ka para malaman kung ano lagay ng pagbubuntis mo,then mag-file ka ng maternity leave kung ayaw mo mag-resign.

11mo ago

Hindi po ako nakunan sis. Yung pinsan ko po