39 weeks pregnant

Hi mga mii, mga kateam september ko po dyan Nanganak nba kayo mga mii or may signs of labor na? 3rd baby ko na to pero first baby girl ko, super ibang iba talaga sya compare sa first 2 babies ko. 37weeks plng nanganak na ako sa 2 boys ko. This time baby girl at yung sakit nya pawala wala then closed cervix padin. Lahat na ng exercise at fruits na pede kainin nagawa ko na but still closed cervix at no sign of labor. Kinakabahan nko na baka ma overdue kami huhuhu tips naman mga mii pano ko magigising ang baby girl ko. Super tahimik nya kasi bihira sya gumalaw kahit nag walking ako tahimik sya na parang nagsleep sya sa loob ng tummy ko.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako sa first baby girl ko mi. close cervix tapos inabot ako ng 39 weeks and 2 days. tapos stuck ako from 36 weeks to 38 weeks 1 cm. saka lang nag 3-4 cm na nag early labor na ako. 2 days sumasakit puson ko. august 30 nagpa admit na ako 3-4 cm parin. nung nag induce saka lang nag 5cm pero di parin bumababa si baby kaya ayun ecs 🫶 awa ng dios okay nman si baby.

Magbasa pa

ako naman gusto na ako paanakin 37 weeks last week binigyan na ako ng reseta pampa buka ng cervix close cervix pa ako until now magpunta ako sa center na IE ako close cervix pa din pero nakapa ang ulo mataas pa daw si baby tapos advise sa akin mag sex daw kame ni hubby para hindi daw ako mahirapan manganak

Magbasa pa

Kapag baby girl matagal po talaga sila lalabas, minsan nasa due date na po yong iba po ay lumagpas. Monitor naman po c baby hindi po kayo mag-alala.

same po tayo mii. 40 weeks na ko ngaun. Ginawa ko na rin lahat. Sched ako for induce labor next week Friday wala pa rin sign of labor.

induce naman po if ever na umabot ng 40 weeks.

parehas Tayo mi first time Mami