Bad dreams 😭

Mga mii last mens ko po is feb 8, and nagpa utz po ako nung march 27 since nag positive po ang pt ko. Pero sobrang liit pa daw sabi no doc kaya balik daw ako after two weeks. Napag desisyonan ko po na sa Saturday na lang bumalik. Sobrang kinakabahan po kasi ako na baka walang makita. Kasi nanaginip po ako kagabe na turning 9weeks na daw ang tummy ko and nagpa utz daw ko pero walang nakitang baby. Sobrang iyak ko daw sa partner ko at sa papa ko. Kahit nung nagising ako umiiyak na ako ng sobra. Ano po kaya ibig sabihin nun mga mii? Parang natatakot na akong magpa utz kasi baka magkatotoo yung panaginip ko. 😭meron po bang naka try sa inyo ng ganito? Nag ppt po ako every 3 days to make sure na positive parin, sa sobrang takot ko.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wala pong ibig sabihin yun. result po ng ultrasound ang magbibigay sagot sayo, hindi po ang dream, mommy. 🤗 be positive po. the more na nagaalala kayo, nalalagay po sa di magandang sitwasyon pregnancy nyo. baka bigla po kayo magspotting at malusaw yan due to stress and anxiety. ifeel mo po na pregnant ka, kausap mo po tummy mo, pray to God, watch funny movies, listen to good songs. always choose positivity, mommy. naniniwala po akong magtutuloy yan with a healthy baby✨

Magbasa pa
3y ago

ganyan din po ako nung una.pero sabi ko nalang nun ipapaubaya ko nalang kay Lord lahat,hindi ako masyado nageexpect nun kasi nka 2 miscarriage na ako.takot din ako mgpa tvs pero inovercome ko po yun.pinaabot ko pa ng 8weeks bago ako ngpa tvs.kain lang healthy foods and lagi magdasal .kinakausap ko din baby ko kahit alam ko maliit pa sya.thank God kasi nung ngpa tvs ako strong heartbeat na sya🥰dont worry too much mi.nood ka po mga comedy movies libangin ang sarili para po di kayo mag iisip ng kung ano ano.