Paano maging mahinahon sa baby? FTM po 🥹

Hi mga mii, good evening. Pahingi naman po ng advice kung paano po maging mahinahon at di napapagalitan c baby napapatulan ko po siya talaga Hindi naman po ung patol na physical something na kagagalitan ko po siya naaawa na po ako sa kanya Kaya Pag nakakagalitan ko nag sorry nalang ako at napapaiyak dahil nakagalitan ko c baby😭 9 months po c baby ko po. Don't judge me mga mii, alam ko di lang naman ako nag iisa ng experience bale po kasi ako lang po nag aalaga Kay baby Mon- Fri kami lang sa Bahay Kasi ung husband ko sa Manila ang work Kaya once a week lang ako may kasama na nag aalaga sa baby namin siguro sa sobrang pagod ko na din to mga mii kaya siguro gnun ung feelings ko. Kaso, alam Kong Mali un at baby un walang kamalay Malay. Kaya, nandito ako nahingi ng advice sa Inyo mii kung paano ko maiwasan ung ganung ugali kay baby. Thanks in advance mga mii . #FTM

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang maipapayo ko po, ang una nyong dapat gawin is to "be kind to yourself", so kailangan nyo rin po alagaan ang inyong sarili. Kahit na sino, mahihirapang maging patient and kind kung sila mismo ay pagod, puyat, gutom and/ or stressed na. Kaya kung gusto nyo po maging mahinahon, siguraduhing may sapat na pahinga rin po kayo. Huwag iexpect na makakagawa kayo ng lahat ng gawaing bahay, iisang tao lang po kayo. "It takes a village to raise a child", so paga-aalaga pa lang, mahirap na talaga. Priority nyo is to take care of yourself, para may enough energy and sanity kayo to take care of baby, then saka lang ang iba pang gawaing bahay. Sana maintindihan rin po ito ng asawa nyo.l ☺️

Magbasa pa

Kapag feel mo mii na nagagalit ka na sa kanya. Ilapag mo lang siya, then layo ka sa kanya ng ilang minuto. Hayaan mo lang siya umiyak. Pakalmahin mo muna sarili mo, then kapag okay kana. Isip ka ng pwede nyang pagkalibangan. Kapag ganyang edad po, nakakaintindi na yan kapag kinakausap mo. Like sa baby ko kapag sinasabi ko "labas tayo?" ngumingiti siya sakin, ibig sabihin nun ayun pala gusto nya.

Magbasa pa