14 days delayed with two solid lines

Hello mga mii. Ask ko lang po if normal lang ba na hindi pa makita ang embryo @6 weeks? Nagpa tv kasi ako kanina after kong mag positive sa 4 pts. Sabi ng ob ko masyadong maliit pa daw too early pa. Pero meron nang parang maliit na circle sa uterus ko. Niresetahan nya lang ako ng duphaston 2x a day, pampakapit daw kay baby. Balik daw ako after two week para i-check kung meron na. May same case po ba sakin dito? Kinakabahan po kasi ako. Ps. First pic po ay yung pt ko this morning while 2nd pic ay pt ko after kong magpa ob this afternoon around 2pm. #firsttimemom #3yearsttc

14 days delayed with two solid lines
16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5weeks palang nung nag pa TVS ako gestational sac lang nakita.. sinabihan ako ng ob na wag masyado magkikilos para ndi matagtag dhil early pregnancy palang .. risky pa sa first trimester .. bngyan lang ako vitamins,pinababalik ako after 2 weeks for follow up at makita kung may mabubuo tlaga .. sa loob ng w weeks araw araw ng PT ako para isure na buntis parin ako matagal kasii nmin inantay to ng partner ko .. after 2 weeks ngpa tvs ulit ako .. may embryo at yolk sac .. may heartbeat narin sya 7 weeks and 3days na sya nun .. now im currently 29weeks sobra likot na ni baby at nkita na gender nya nung 24weeks sya.. 2months nalang lalabas na baby girl namin ☺️👶

Magbasa pa
2y ago

Salamat.. ☺️ Congrats din sayo magtiwala kalang at mag pray.. Mag ingat palagi para sa ikabubuti nyong dalawa ni baby ☺️👶♥️

Same here mommy. Ganyan din ako nung 5weeks ko. Gestational sac lng nakita sa transV. Kaya renisitahan din ako ng duphaston. Tas sabi ni ob ko balik ako after 2weeks. Pero bago ako nakabalik sa kanya. Nagka spotting ako. Natako nga ako akala ko mawawala na naman baby ko. Pero god is good talaga. Pagbalik ko sa ob ko nagpa transV ulit ako. 6weeks na sia at my hearth beat na rin. And now mag4 months na nako. Pray lng mi. Magpapakita rin si baby. 🙏

Magbasa pa
2y ago

Ako mii 9 months ko talaga dinala sa tummy ko ang baby namin, kaso nung lumabas wala nang heartbeat dahil din sa kapabayaan ng mga staff ng hospital. 😞 pero sabi nga nila baka hindi pa para sa amin si baby, sana ngayon para na talaga sa amin. Praying for your safe delivery puhon mii. ❤️

hello mamsh, same tayo, sakin bilog palang march 15, super kaba ko din, tapos after ilang days nagPT ako, super positive na, kasi nauna yung ultrasound di ko kasi alam na preggy ako non, sabi pa nga 6Wks and 2 days si baby eh gestational sac palang, and then bumalik ako nung march 24, ang real size na ni baby ay 6W4D and may heartbeat na din siya ❤️ Now ay 7W1D ba si baby ❤️

Magbasa pa
2y ago

Congratulations mii. Praying na sana ganyan din ang sakin. Mabuti na lang maraming same case ng sakin, nabawas bawasan yung kaba ko. ❤️

Same here nung 5 to 6 wks ako. Thankful din ako di ko pa nababasa yung mga posts dito kasi baka nagworry din ako. Kadalasan kasi dito nagtatanong. Inassure din kasi ako ni doc na nasa loob at after 2 to 3 wks balik ako for heartbeat and wala syang sinabing walang baby dahil may sac at too early pa rin naman.

Magbasa pa
2y ago

Ganun din naman sinabi sakin ni doc mii, inaatake lang talaga ako ng anxiety ko kaya gusto kong malaman kung may same case din sakin. 😞 and thankfully marami kami, kaya medyo nabawasan po yung kaba ko

6 weeks din po ako nung nagpatransV. Meron napong yolk sac nun at heart beat yung baby namin. Just wait a little longer mommy and inom po ng vits para mabilis siyang lumaki at makita agad sa transV

2y ago

Yes mii no lapses po vitamins ko, kahit nung ttc pa lang po always talaga ako umiinom ng folic acid. Thank you po ❤️

VIP Member

positive mommy may baby ka na po pag ganyan. almost same po tayo nung nagbuntis ako, faint yung isa tapos dark yung isang line. good luck and God bless sa pregnancy journey mo mommy ❤️

2y ago

Thank you so much mii ❤️

same sakin mi, 6 weeks palang nung sakin, wala pa heartbeat after 8-9 weeks yung balik ko, may hearbeat na at embryo😇🥰at now 3 months na baby ko😇🙏❤️

2y ago

welcome po mi,🥰basta ingat lang always ,wag kalimutan mga vitamins mo 😇❤️salamat din po,..soonest kana rin, godbless😇

yes mamsh, too early pa. usually 8-10 weeks makikita ang embryo. eat healthy and mag folic acid. take your prescribed meds. alagaan ang sarili at iwas sa stress.

2y ago

Opo mii, no lapses po ang vits. 😊 Thank you po ❤️

normal momsh. yung 5 weeks ko sac pa lang nakita. yung size ng sac parang sunflower seed lang. balik ka after 2 weeks for sure my HB na yan.

2y ago

Sana nga mii. Kinabahan talaga ako kanina nung sinabi ni doc na masyadong maliit pa and too early. Akala ko wala talaga, eh klarong klaro naman na positive pt ko. Thank you sa pagsagor mii ❤️

Yes mi normal sya. kasi too early pa. Dont stress urself po. Pagbalik mo maririnig mo na heartbeat niya. Congrats po ♡

2y ago

Thank you so much mii. ❤️