Tamad dumede pihikan at parang laging nalulunod kapag dumedede.

Mga mii 🥹 Ano po kayang pwede kong gawin. Ang baby ko kase ayaw dumede tamad syang dumede. Kung padedein laging pahirapan. Minsan mas gusto nya ang pacifier kesa dumede kahit lubog na ang bunbunan nya. Pag nadede kase sya lagi nyang tinatanggal bibig nya kase para sya laging nalulunod kung dumede diko alam di ko sya maintindihan🥹. 2 to 3 oz lang ang nauubos nya meron din naman pong 4 or 5 pero mas malimit mahirap syang padedein kaya minsan pinipilit ko na sya. 4 months na kase sya nag aalala lang ako kase dapat marami rami na ang na dedede nya. Last na timbang nya 4.8 lang tatlong buwan at kalahati sya nun. Kaya petite lang sya kase tamad syang dumede diko na alam ang gagawin ko sa kanya. Pangatlong palit nya na nang gatas. Una bonna tapos lactum ngayon naman nestogen pero ganun padin sya. Help me naman po any advise pls

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply