10 Replies

Mga sis, update ko lang. Di pumayag si OB na mag CS ako dahil wala daw indication for Cs unless nasa 4kgs si baby. Minsan daw kc malaki sa ultrasound pero maliit lang sa actual. Subukan daw muna namin magnormal, if 39wks at wala pa pagbibigyan nya akong mag CS. Niresetahan nya ako prim rose 2pcs ipapasok sa pwerta every night for 5days at meron din iinumin 3x/day for 3days. Balik ako Wednesday 🙏🏻

for me mii CS kase ko. I feel safer sa CS. No matter what people say CS talaga ko. Daming momshies na tumitingin saken like and weird ko for not even considering normal delivery and pinili ko pa yung matagal na healing process. They didn't know my worries kase nor try to understand why CS and gusto ko. Pero wala silang magagawa it's my decision to make. naka set na ko ng CS may date nadin ako haha

I feel you sis. Mahirap magtake ng chance kapag malaki ang baby. Maglalabor ng matagal then ending E-CS din. Anyway, kanya kanya talaga tayong preference. I have a friend na nagpascheduled CS din, 2x na kc sya nakunan kaya gnun.

yung panganay ko 3.4kls sya nung nilabas ko. Normal delivery. 4hrs lang nag labor. mahirap at masakit halos mag makaawa na dn ako sa midwife na i cs nalang ako pero hndi sya pumayag kasi nang hihinayang sya maganda daw daanan ni baby. For me mamsh CS man o normal delivery kung san ka po comfortable go for it. Kapakanan nyo lagi ni baby isipin mo. 😊

Go with normal delivery po as much as possible pero seek for OB's advice rin po kung ano ang best for you and your baby. Pero kung for your own peace of mind po ay mas okay sayo na scheduled CS, then go for it mamsh. Normal man o CS ay mahirap pa rin naman after manganak. It's all up to your preference po and tolerance. ☺️

Para po sakin manganak po kayo sa ospital para hanggat kaya nyo manormal go lang pero atleast kung di man kayanin at need ics di kayo mamroblema kse na sa ospital kayo at kumpleto ang gamit. Mahirap at masakit man po manganak mas mainam po talaga na inormal nyo po.

Salamat sa reply mga sis! Appreciated!!! Sa Friday, balik ako OB. If ever magpasched nlng ako for CS para safe kmi. Inaalala ko baka mahirapan ako tapos E-CS din ending. Nakunan nrin ako dati. Ingat tayo mga mie. Godbless po satin

Mas mabuti po na mag normal delivery. Hindi ko recommend ang CS kasi mas mahirap po aabutin po ng ilang months bago po mag heal ang tahi at sugat mo sa loob! ang hirap po ng cs.

Pilitin mo lang kayanin na ma normal basta wag ka lang kabahan. Ako nga 7pounds baby ko pinilit ko talaga tatagan loob ko ma normal kasi hindi madali mag cs kung normal ka mamii isang araw lang kaya muna sarili mo pero pag cs isang buwan kapa bago makakilos ng maayos e hirap na hirap na nga e kilos sa pagbubuntis paano pa kaya pag cs madami na din akong mga kaibigan puro cs hindi talaga nila recommend sa akin na mag cs. Pray ka lang palagi na maging normal panganganak mo. Ingat

kung makakaya mo naman inormal delivery sis go pero kung di kaya iprioritize mo safety nyong dalawa. ingat mi

3400 grams si baby ko, 7.48 lbs nung nalabas ko, kaso E-cs, nastock kasi ako sa 5cm dna tumaas ang cm ko.

cs ka na lang mi kasi malaki un baby mo baka mahirap ka at si baby pag pinilit mo magnormal delivery ka.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles