NORMAL LANG KAYA ITO ?

Mga mie ask ko lang may same case ba sakin na ganto, normal naman ung HB ni baby nung Ultrasound ko tsaka malikot sya nung time ng ultrasound ( last week ) then kinabukasan hindi sya malikot pero nararamdaman ko naman sya nagalaw kaso mild lang ung galaw nya. Tas nung monday check up ko sobrang likot nanaman nya then normal naman din heartbeat nya. Ngayon mild na naman galaw nya. Kumbaga may time na sobrang hyper sya na tipo napapa aray ako kapag malikot sya may time naman na puro mild lang galaw nya. 31 weeks pregnant here. Tsaka pansin ko lang din kapag naglalakad ako dun sya sobrang hyper pero pag nakahiga ako hindi sya ganun magalaw. Thanks po.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang monitoring ko ng fetal kick counter ay after eating (dahil mas magalaw sila during that time). baligtad tau, kapag nakahiga/nakaupo ako, mas malikot si baby, sa 2 pregnancies ko. kapag naglalakad/nasa byahe, hindi masiado.

Ganyan din po sakin,kunyare ngayon magalaw sya the next day mild nalang. Pero as long as nararamdaman ko sya di na ko nagwoworry,mas nag-aalala ako pag di sya gumagalaw.

Mas magalaw baby ko pag nakahiga na ako pero pag may mga ginagawa ako or nakaupo hindi ko siya maramdaman kaya minsan nagwoworry ako.

2y ago

since nag 29 weeks po ako nag iba na ung galaw ni baby. dati po ganyan kapag nakahiga ako sobrang likot ngayon po pag naka upo or naglalakad ako dun sya nag lilikot. tumutusok sya sa mga gilid gilid ng tyan ko.