Gestational sac

Mga mi we went po sa clinic today and we did transvaginal ultrasound, currently 6weeks and 5 days na po ako, gestational sac palang po nakita🥺 ano po need ko gawin? kinakabahan po ako🥺#firsttimemom

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

6 weeks 2 days may heartbeat na sakin 137bpm na. siguro naging malaking help ung the moment na nadelay ako, 1day delay lang nag pt nako may paintline, di man sure that time nag folic acid na agad ako. iba iba naman mi. iba iba din tayo ng katawan. di porke sa iba maaga nabuo or nkita e dpat ganon ka din. minsan kasi di naman nabubuo agad nung nag ovulate ka. what i mean is possible na sa LMP mo po is ganyan na ang bilang 6w5d pero ang embryo ay di agad nabuo kaya pede halimbawa late 1week. gaya sakin mi, 10weeks na dpat ako sa LMP pero si baby sa TransV ay 9weeks palang. Meaning may times na di agad tayo nag oovulate. usually 2 weeks after your 1st day of mens ang ovulation natin pero possible po na after2weeks di ka agad nag ovulate kaya pde late din mabuo si baby.

Magbasa pa

Naku ganyan din sakin mi 4wks grabe ung anxiety na inabot ko tapos andmi ko pang nakikitang hindi magandang vids sa tiktok. Ung stress ko at anxiety everyday tlga ksi sa pag aalala na what if’s prang ung 3wks na un ung pnaka matagal ng buhay ko haha. pero itinigil ko ung pag iisip ksi nkaka apekto sa progress ng baby pimag pasa diyos ko na lang at pray kausapin si baby kahit wala pa. Ayun bumalik kami last sunday and nag pakita na sya normal ang heartbet Mangiyak ngiyak ako sa tuwa lahat ng pag aalala nawala ☺️

Magbasa pa
Post reply image

Normal lang po, same sa akin less than 6 weeks palang nung inultrasound ako. pinabalik ako mag8 weeks na ako and nakita naman si baby, grabe ang lakas ng heartbeat nya kitang kita sa ultrasound. same sa iba folic acid and duphaston na pagkamahal mahal ang nireseta sa akin. di na ako nagpakastress kasi ginoogle ko din eh normal lang daw sa earlier stage.

Magbasa pa

this is the reason why my OB did not do TVS sa akin agad, kasi baka daw baby sac pa at mag ooverthink lang ako pag wala pang heartbeat. kaya she asked me to go back after 4 weeks tas niresitahan nya lang ako ng folic acid at bcomplex... after a month bumalik ako at nag tvs na at may heartbeat na...

4w ago

buti kapa mhie niresetahan kna ng b complex. ako kasi folic at calcium lng

folic acid mi. Quatrofol po ang binigay sakin ni OB then Duphaston pampakapit (3x a day). + Obimin at Calciumade. praying for your Baby 🙏 Bilin sakin ni Doc, wag n wag ko kakalikutan ang Folic Acid. para kasi un sa development ni Baby

4w ago

mas okay po if bibili kayo ng paunti po muna para matry if hiyang kayo sa vitamins. meron kasi mga brands na sobrang asim sa tiyan po. if so far okay naman, pwede napo magbuy ng maramihan

Too early pa po para makita c baby, usually pababalikin ka po nyan for another ultrasound, take niyo lng po yung mga binigay na vits ng ob mo, wag masyadong magpastress and magpakapagod, eat healthy food din po 😊.

pahinga kalng mhie. minsan late tlga makita. swerte ako kc eksaktong 6 weeks nakita na agad c baby. at may heartbeat na dn. wag kalng pa stress mhie. matulog ka and pahinga dn kumain ka ng small meals kapag nagugutom ka.

Total Bed rest ka po and take your prenatal vitamins and folic acid. Kain ka po nutritious food. Less processed. Nuon sa akin nilagang baka, tinula, gulay at prutas talaga para maganda development ni baby.

5 weeks and 3 days po kahapon gestational sac pa lang din po nakita .. repeat tvs after 2 weeks .. niresetahan ako ni OB ng duphaston and ung folic acid tuloy pa din ..

VIP Member

relax ka lang po mhie, ganyan din po ako noon.. Bumalik ako 13weeks na tyan ko then may baby na po.. Too early pa kasi daw ang 6weeks ftm.