Private to Public hospital

Mga mi too late na bang lumipat ako ng hospital currently 37weeks 5days na ako, kaya ko naisipan na lumipat sana dahil nag ka money problem kami yung naitabi kong budget sa panganganak ee nagamit sa pambayad ng mga bills nung mga nakaraang buwan, at ang natira nalang is kulang kulang nalang sa kalahati, may chance pa kaya na makalipat ako ? #advicepls #pleasehelp

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Medyo maselan po ang public hospital. Yung iba hindi tumatanggap ng walang record sakanila. Sa panganay ko, 7 months na akong preggy nung nagpa check up ako sa ospital as service case. Tanungin niyo po OB niyo baka naman may affiliation sya sa public hospital. Pag ganun, pwede mo sabihin sakaniya na dun mo gustong manganak. Ganun po ginawa ko sa pangalawa ko. Ang mahal lang na binayaran ko is yung doctor's fee (6000 binayaran ko, disclaimer lang di po sila pare parehas ng singil). Nasa 10k din po ang nagastos dahil may mga binili po kami na sa ospital na namin nabili dahil bawal lumabas kahit bantay tapos naka semi private ward po ako.

Magbasa pa
TapFluencer

try mu magpacheck up mii kahit isang beses, kasi hipag ko wala rin siya check up sa public kasi midwife lng talaga magpapaanak skanya kaso nung time na nglalabor na siya wala ung midwife kaya dretso sila ng hospital, tinanggap naman un nga lng katakot takot na sermon inabot nila, pero ayon nkaraos naman via cs nga lng , tapos ngayon ako mag7months preggy na din, plano ko rin magpacheck up sa public hospital pra may record just incase magkaprob, pero sa lying in ako ngpaprenatal ,

Magbasa pa

Ayaw mo iconsider Lying-In? Kung wala naman complications.. I think mas madali ka matatanggap sa lying in kaysa Public hosp.. D ko din sure ang process since sa Private hosp ako nanganganak.. Ang pagkakaalam ko lang dapat may prenatal checkup ka sa public kung sakali lilipat ka dun ang kaso kabwanan mo na.. Pero wala naman masama itry.. As early as now mi dapat maghanap ka na ng possible hosp.. Mahirap kasi ipilit sa private napakamahal po talaga sa ngayon lalo na pandemic pa rin

Magbasa pa

kung sino OB mo ngayon sis baka naman pwde sya maka pasok sa public. i mean. accredited sya sa ibang hospital. like my OB ngayon 5 hospitals ang pwde nya pasukan anytime. 4 of which are private hospital and isa is public.. namili lang ako sa mga hospital na yon. at first napili ko is isa sa private hospital but then realize na dun nlang sa public para mas maka tipid at kunin ko lang si OB as my private doctor since nakaka pasok nman sya dun sa hospital na yun..

Magbasa pa

ako naman 38 weeks ngaun. una sa private tlg gusto ng partner ko ngbgay nrin sya ng pangpaanak ko dun sa osptal at ngppacheck din ako dun pati sa center para my free vitamins aq. and si center ngbgy ng referral kung san mnganganak pagka7months which is public sya and decided na mgpublic nlng ako para makakatipid at magamit nalng ky baby ung naitabi pgklabas nya and pumayag naman si partner na public nako. try mo pdin mami mgpacheckup khet once lng pra my record k.

Magbasa pa

ako po simula nung 2 months sa lying in po aq nag papacheck up pero my bayad po check up don , pero dahil gusto ko po sa hospital manganak pumunta po aq sa public hospital kahit naman po wlang record basta emergency na ndi ka nman nila tatanggihan basta dala mo yung ultrasound mo, im 38 weeks preggy hinihintay ko nalang humilab yung tyan ko ..

Magbasa pa
3y ago

mii anu po dinala mu pagpunta mu sa public hospital pra sa check up?

Medyo late na po kasi anytime pwede kang manganak pero you can still try. Based on experience, lumipat ako ng public hospital ng kabuwanan ko na rin, napagalitan ako ng ob kasi dapat kung sinong ob na nakakaalam ng history mo ang magpapaanak sayo for safety reasons mo din at ng baby mo. Sabihin niyo nalang po sa ob yung concern mo.

Magbasa pa

Baka mahirapan po kayo kasi medyo mahigpit sa public hospitals kapag hindi ka sa kanila nagpapacheckup, pero ipagtanong niyo po muna sa inyo. Like makisuyo po kayo sa husband niyo na magpunta sa ospital para makapag tanong kung pwede.

ako mi nung first trimester ko sa private ako nag papacheck up pero nag online consult din ako sa public hospital para sure ako if ever na magipit ngyon mag 37 weeks nako sa public nako nag tuloy tuloy magpacheck up

Share ko lang, private hosp/OB ako simula umpisa but for some reason kelangan ko magtipid at around 37 weeks, at around 37 weeks nagpacheck up na ako sa Lying in and exactly 38w and 2 days nanganak na ako.

3y ago

Yung first check up ko sa lying in, nilista lang lahat ng record ko sa private hosp. yung mga labs and ultrasound. nung naglalabor naman na ako, pumunta lang ako dun, wala na nga swero e, inintay lang mag 10cm then pinaanak na ako.