Papakainin si baby kahit hindi pa 6months
Hello mga mi si LO ko po ay mag 4months pa ngayong January 15, yung lola ng husband ko papakainin niya ng skin ng chicken gizzard para daw paglaki hindi daw sasakit ang tiyan. Ganyan din po ba kayo mi?
nako maaga pa masyado para pakainin ang baby mo wag muna atsaka iba po talaga ang atake ng mga nakakatanda compare sa mga momies now mas ok yung careful tayo dahil nagdedevelop padin si baby niyan
huwag po mommy, SI baby ko 5 months old binigyan na Ng plain rice Nung tumae di nagiking iyong rice kawawa Naman SI baby diba kaya Ng digestive system nya Lalo na gizzard oo yan
baka naman hindi matunawan momie.. better wag na sundin ang pamahiin kesa baby ang mag suffer.. nung 6 mos. baby ko malambot na kanin ang pinakain namin na sinabawan ng AM ..
6 months po dapat pakainin ang baby and dapat no sugar, no salt no spices..fruits and veggies lang po muna..yung gulay steam lang as in walang lasa muna
hindi po lahat ng pamahiin ng matatanda ay tama , wag po basta pakainin ang bata ng kung ano ano lalo di nmn nirecommend ng pedia lalo kung wala pang 6 months .
No. Baka mamaya mas sumakit pa tyan ng baby mo dahil sa ipapakain nila. Isa pa 6months pa dapat pakainin ang baby pero hindi ng skin ng chicken gizzard na yan
your baby your rules. kahit pedia pa tanungin mo hindi pwede kumain ang baby mg ganyan kabata. need na kaya na at stable ang ulo at likod ng bata.
never to this pamanhiin, kawawa ang baby. npka hirap tunawin ang chicken gizzard 🤦. wag nyo po hayaan mi, baka kung anu mangyari kay baby.
hindi po adviseable na pakainin ang baby na wala pang 6 months old. hindi papo fully develop ang stomach niya. 6 months po ang pinakaearly.
Yung mga matatanda nga minsan sumasakit pa ang tyan sa chicken gizzard, baby pa kaya? Wait until my go signal na si pedia