Preterm Baby

Hello mga mi, may same po ba kay baby ko dito, preterm baby siya, 1.8 kgs birth weight, at 36 weeks based sa scoring ng pedia, super bagal mag gain ng weight, at 8 months 4.9 kgs lang siya, tapos mahina din sya magdede though nag sosolid food na siya may mga multivitamins na iniinom, pero mahina pa din siya magdede hanggang 4 oz lang kaya nya ubusin at 3-4 hrs pa yun. :( May same case po ba kay baby ko dito? paano po ginawa nyo para mapalaki si baby nyo po? #AskingAsAMom #lowbirthweight

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby ko ay hindi preterm pero mabagal ang pagtaas nf timbang nia nung nagbebreastmilk sia sakin. kaya naging mixedfeed sia (breastmilk at formula milk) simula 2 months. dun sia nagstart magtaas ng timbang. at 8 months, naka 4oz din ang anak ko every 4hours. s26 gold ang gatas nia. pwede ka magtry ng ibang gatas na hiyang sa kanya or gusto nia ang lasa. nung 7 months sia nagstart kumain ng solid food. lalong nakatulong ang pagtaas ng timbang. 3x a day namin pinapakain ng solid food. minsan cerelac, gerber.

Magbasa pa
1mo ago

ilan na weight nya mi?