In-laws unsolicited advice
Hi mga mi. Pahingi naman ng advice. Pag Christmas/Father's Day/Mother's Day/Birthdays, lagi nyo din ba kasama in-laws nyo magcelebrate? Ganun kasi setup namin ni husband. Nakabukod kami, pareho ding wfh, pero everytime may event, sama kami magcelebrate with parents and sisters nya. Mabait naman sila sakin pero consistent lang kasi yung unsolicited advice nila sa parenting namin. na mag formula na yung 5months old baby namin kasi baka di na nasasatisfy sa gatas ko, magpacifier, gumamit ng hipseat carrier etc. Nag no na kami sa una palang, pero everytime magkikita, inoopen na naman nila yung ganung topic. Inopen ko sa husband ko na di ako comfortable na paulit ulit yung advice nila kahit nag No naman na kami and kung pwede ba bawasan yung times na kasama namin sila lagi pag nagcecelebrate. pero nagalit lang sya sakin kasi wala naman daw problema. wala namang bad intention family nya. Wala naman daw pinakitang masama saakin. Iniisip ko kung ako ba talaga yung problema. 😥 #Help #inlaws
Excited to become a mum