Ako mi I don't mind. Nakunan na ko dati. Kaya ngayong buntis ako, naisip ko kahit gano pa kasakit sipa, kahit gano pa umitim leeg o kilikili ko, at kahit gano kadami pang mga stretchmarks, I don't mind. Ang importante okay baby ko. Sobrang ineembrace and feel na feel ko din naman hehe
Ang nasa isip ko, eto yung isa sa mga patunay na tumira yung anak ko ng 9 months sa sinapupunan ko, na dito yung una nyang tahanan at yung mga marka na yun, yun yung mga unang drawing nya. 😂
hehe yun nga din naririnig ko sa ibang mommy. ito daw ang first drawing ni baby ❤️
sa akin po, mas masaya pa nga ako na may stretchmarks sa puson ko, kasi nakikita kong lumalaki ang baby sa loob lalo na pag nagpapa-ultrasound ako. first time mom at 33.
medyo maaga na rin lumabas ang mga stretchmarks ko gawa na rin siguro na nag-gain ako ng weight bago mag pandemya o bago mabuntis, saka bumalik ang gana ko sa pagkain after ng pagsusuka sa 1st trimester.. currently mag-25 weeks na po
Tey