Stretchmarks

Mga mi, paano nyo inaaccept whole-heartedly ang mga lumalabas na stretchmarks? 27 weeks palang ako meron na lumabas sa may puson ko πŸ˜‚ Thankful naman ako kasi importante healthy si baby. Di lang maiwasan mapatingin sa salamin minsan at mapaisip kung magiimprove pa hitsura ng tiyan ko πŸ˜… #stretchmark

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako mi I don't mind. Nakunan na ko dati. Kaya ngayong buntis ako, naisip ko kahit gano pa kasakit sipa, kahit gano pa umitim leeg o kilikili ko, at kahit gano kadami pang mga stretchmarks, I don't mind. Ang importante okay baby ko. Sobrang ineembrace and feel na feel ko din naman hehe

2y ago

24weeks na mi by God's grace πŸ₯° sarap kaya makita pagbabago sa katawan mo dahil kay baby hehe. Kaya never ako nag complain πŸ₯°

Ang nasa isip ko, eto yung isa sa mga patunay na tumira yung anak ko ng 9 months sa sinapupunan ko, na dito yung una nyang tahanan at yung mga marka na yun, yun yung mga unang drawing nya. πŸ˜‚

2y ago

hehe yun nga din naririnig ko sa ibang mommy. ito daw ang first drawing ni baby ❀️

sa akin po, mas masaya pa nga ako na may stretchmarks sa puson ko, kasi nakikita kong lumalaki ang baby sa loob lalo na pag nagpapa-ultrasound ako. first time mom at 33.

2y ago

medyo maaga na rin lumabas ang mga stretchmarks ko gawa na rin siguro na nag-gain ako ng weight bago mag pandemya o bago mabuntis, saka bumalik ang gana ko sa pagkain after ng pagsusuka sa 1st trimester.. currently mag-25 weeks na po