68 Replies

Grabe naman asawa mo wag ka masaktan ha pero mas importante ang sarili nyang kaligayahan kesa sa kaligtasan mo. Ikaw nalang po nag umayaw kasi 8-9months lang naman sila mag titiis naaawa ako sayo baka pagkapanganak na panganak mo hindi nya isipin na may tahi kepyas or tahi tyan mo at baka ayain o ipilit nanaman ang sarili nyang kaligayahan.. Sundin mo po ang payo ni ob mo para narin sayo lalo na sa baby mo.

Nong ako ay buntis last year, buong pag bubuntis ko wala kami contact ng asawa ko, inalagaan naman niya ako ng maayos. Hindi kasi ako komportable and at the same time lagi masakit balakang ko. Safety first ninyo ni Baby momsh. Although, ok naman mag make love during pregnacy, if at risk naman si Baby at kamo nag preterm labor ka, tama ginawa mo. Napaka selfish ng asawa mo kasi hindi ka maunawaan. 🙂

same tau mommy mula nong nagbuntis ako until now 3 months na c LO hnd parin kami nagdodo kaya masasabi kung ang swerte ko sa asawa ko kase nirerespeto nya ung desesyon ko saka iniisip at naiintindihan nya rin ung kalagayan at kapakanan nmin ni Baby❤️

Tama ka naman mommy kasi kapakanan mo at ni baby naman ang nakasalalay. Nabobother ako dyan sa needs ng asawa mo. Mas importante pa ba yan sa kanya na maka score sya kesa sa safety nyo ni baby? Nakakaasar. Yung asawa ko nga bilang first baby namin, mula nung nalaman naming buntis ako, ayaw nyang magcontact muna at nakakahiya daw kay baby. May ibang means naman para ma satisfy yung ganyang needs.

Sarap bungangaan ni mister. 🤣 Pagkalabas ng baby natin gastos rin pare. Wag ka muna pagalaw sknya mi pgka panganak mo ksi bka mlagyan ka ulit agad. Ayaw mo ng gastos diba magtiis ka. 🤣 Odikaya BJ, handplay. Akitin mo nlg sya ng ganon mi. Ganto muna for now hubby. Sana maintindihan mo, konting tiis nalang. Ganern. Nang gigigil rin ako e. Sa term na gastos. ano ba inexpect nya.

Kabaliktaran ng hubby ko, ayaw na ayaw makipag-contact kase baka daw matamaan si baby sa loob hahahahahaha and nag-contact kase kami nung 7months yung tummy ko and sumakit din aftern nun. Kaya simula nun di na kami umulit kase delikado po talaga sa baby yun, pwede po kayo mag heavy bleeding. Tama lang ho ginawa nyo. Ang sex makakapag-antay yan, but the safety ni baby hindi.

sabihin mo sa hubby mo dapat ready sya sa consequences after nyo mag sex kasi kung may ganyan kang experience ng pre term labor, mag isip kayo kasi ang pleasure pwede i set aside muna para sa kaligtasan nyo ng baby mo tutal one month na lang manganganak ka kausapin mo na lang masinsinan si hubby mo para marealize nya na dapat unawain nya kalagayan nyo ng baby mo...

tama lang yan sis. nako ako nga simula nalaman ko buntis ako which is 6wks palang ako until last week 19 wks d ako nakipag contact sa asawa ko kaht anlamig lamig na daw 😂 nasa kanya un kung iintindihin nya o hnde. lagi ko snasabi aknya wala ko sa mood at syempre buntis ako d ko feel, masakt balakang ko . kung bet nya sya magbuntis pabor skn un 😂 .

Mommy mas mabuti ng una mung isipin mo yung sarili mo at c baby kasi ang mahal mag pa check-up tapos yung mga medicine ang mahal din lalo na yung pampakapit .... ako simula 7weeks hanggang ngayun na 38 week's & 4 days na ako never pa kami nag do ni hubby.... Nakakaopen daw kasi ng cervix yang sperm ng mister natin tsaka yung breast stimulation ...

Sana all, mula nang malaman naming buntis ako, kahit di maselan ayaw ni hubby. ako pa gigil na gigil ayaw talaga kase natatakot. 3 yrs din kase kami nghintay. ngayon mag 1 month na LO namin via CS. Gusto nya pero nagpipigil parin dahil bawal, sabi ko at least 4 months bago siguro bago ko makayanan. feeling ko ako na walang pakealam sa sex ngayon.

Grabe naman po Hubby nyo. Okay lang po umayaw, hindi lang nakakaintindi hubby nyo. Na awa naman po ako sa inyu 😔 Ako nga 8weeks preggy palang pero mismo yung husband ko ayaw makipag contact kasi daw baka mapano si Baby namin, baka daw kasi mag bleeding ako isa din kasi mag cause ng bleeding ang makipag contact. Iniisip nya lagi kapakanan namin.

Trending na Tanong