Di pa nakakalakad

Hello mga mi, normal po ba na di pa nakakalakad ang 1 year and 1 month? Worried lang po as ftm. Pag nilalagay ko siya sa sahig takot na takot siya. Di niya ihahakbang mga paa niya kung di ko hawak mga kamay niya. Nakikita ko sa kanya na parang di talaga siya interested sa walking. Any advice po to encourage him to walk? Thanks πŸ™‚

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy, don't worry, hindi naman delayed si baby sa paglalakad. Ganun po talaga ang mga bata, iba iba sila ng development, 13 months palang si baby mo po. Physical therapist po ako ng mga bata, and usually po beyond 18 months (1 year and 6 months) saka po inaadvise ng mga pedia na ipatingin si baby, pero usually yun po yung mga batang talagang hindi nagbe-bear ng weight using their legs, yung hindi po nakakatayo may hawak man or wala. Pero sabi nio naman po humahakbang sya, pag hawak nio. So wala pong weakness si baby sa mga legs nia or delay. Build nio lang po yung confidence niang humakbang ng walang hawak. Try nio po na hawakan yung damit nia instead or unti unti nio pong bawasan yung assistance mommy, halimbawa po, isang kamay, tapos hanggang sa isang daliri nalang nio po ang hawak nia. Tapos use toys po, yung pinakafavorite nia or sometimes mga snacks, para po mas maengage sya sa activity. Tyaga lang po mommy sa pag uulit ulit ng activity, magagawa rin po ni baby yanπŸ˜ŠπŸ™

Magbasa pa