Buntis at 40

Hi mga mi! Need ba talaga sa hospital manganak kung ganito same sa edad ko na 40 years old kasi kompleto facilities dun? or depende po yun sa kalagayan ko kung sakali diba? Sa hospital kasi ako nagpapacheckup, yung ob ko may lying in din siya, posible ba na pwede ako sa lying in manganak? Mag 41 na ko sa December and December din ako maganganak. #NeedAdvice #thankyou

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Depende po sa kalagayan ng kalusugan nyo Mommy at sa OB na mapipili nyo. Ako pinayagan ng OB na manganak sa lying in sa kondisyong di ko magagamit ang philhealth. Yun lang dahil masyado ako nagtiwala sa doctor ko nung pumutok na panubigan ko ay pinagbedrest lang nya ako at niresetahan ng pampakapit . Eh yun pala ay naglalabor na ako at dahil nga sa hindi pagsuggest ng OB na dumiretso na ng hospital ay nakakain na ng dumi si baby at lumabas na mahaba na ang ulo gawa ng naglalabor na nga ako. Bukod dun naemergency CS pa ako.After nun 1 week pa naconfine si baby. Suggestion mommy dun ka sa trusted OB at better talaga kung sa maayos na hospital.

Magbasa pa
2y ago

Nagtaka din po kami na ganun ang advise. Sa ultrasound po kasi ay okay pa daw ang dami ng tubig kaya ganun po naging desisyon ng OB. Nung dinala na po ako sa ospital saka nalaman na mali ang advise ng doktor.