Masakit ba talaga ma-induce?

Hi mga Mi! Nagpunta ako ng hospital nung sunday March 19 pagka-IE sakin admits tip pa rin ako. Bukas balik ko for prenatal tapos naka-schedule nako for induction ngayong 23. Feeling ko wala pa rin improvement yung cervix ko till now. Three weeks taking evening primrose vaginally tapos exercise, kegel at pelvic floor exercise din pero puro paninigas lang ng tyan at pananakit ng balakang nararamdaman ko. Nawawalan nako ng pag-asa na mag normal labor. 😟 Masakit ba talaga induce mga Mi? Baka may tips kayo dyan para maging bearable yung pain. #advicepls

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

masakit ang induced labor as in unlike sa natural labor based sa experience ko sa 1st ko induced, sa 2nd ko natural. ang laki ng kinaibahan. yun lang sa induced, mas mabilis ko naiire si baby ko nun at maliit lang tahi ko. sa 2nd ko ngayon 3.3kg si baby natural labor pero ang punit ko gang pwet 😅😅 so lakasan lang ng loob yan sis.dasal ka rin worth it naman lahat ng hirap at sakit pag narinig mo na iyak ng baby mo at nakita/nahug mo na sya :)

Magbasa pa
TapFluencer

Masakit po induced labor sakin haha nkakapagod kase nka 30 pcs na evening primrose ako non na snsalpak nila sa pwerta ko pra lumambot cervix ko 11pm ako ng March 11 inadmit then nagactive yung labor ko ng March 12 8am na then Baby out ng 6:59 Pm ng March 12. Tips lang sguro now palang inom ka pineapple juice and ung evening primrose din laking tulong

Magbasa pa

Try nyo po magpakulo ng luya then drink it for a day. It helps me na mag open ng mabilis ang cervix ko. I experienced contractions around 4am then we arrived sa birthing center around 7am I was only 3cm then after an hour nag fully dilated agad cervix ko (which they find it very fast). I gave birth last week at exactly 9am.

Magbasa pa
VIP Member

for me masakit .. induced ako nung mar.21 7:30pm then baby's out 11:20pm .. iba yung labor parang pinipilit talaga na hindi mawari .. pang 4th baby ko na and ngayon lang ako na induced .. btw 3kgs. si baby ..

Masakit po kasi induce din ako. March 21 po ng 12:33 am ako nanganak.. Pray & trust to lord & yourself lg po. Kaya niyo yan 🥰🥰 Btw 23 y.o lg ako hihi ..

2y ago

Try nyo lg po mi, kasi if hindi talaga .. e cs ka rin nila ..

sa, panganay ko induced labor ako kaya ko nmn ung sakit ung sa bunso ko natural lng na humilab chan ko dhl dugo unang lumabas, sobrang sakit po.

yes po masakit, induce din po ako pero kaya mo yan mi tanggal agad yang sakit na yan pag nailabas at nakita mo na si baby. Goodluck po sayo

nakailang banig nako nako ng primrose mi hanggang ngayong close cervix parin schedule for induced labor.

usually mga momshie ilang weeks Ang pag induce? kapag ba di na di na tumataas Ang cm ganun Po ba Yun?

2y ago

kadalasan po kapag over due na, pero sa case ko kasi may nag leak na sakin na water at 3cm tas wala pang contractions kaya need na ilabas si baby at ininduce na nila ako.

mi promise sobrang sakit ng induced .Pero worth it ang sakit pag nakita mo na si bby mo