Ano ang binat?? Pagkatapos manganak 3months

Hello mga mi. Malamig lang ba talaga ang panahon pero yung lamig nanunuot sa mga buto buto ko at nagshishivers talaga ako. Masakit din ang ulo at mga katawan ko. May sinat loob din ako nararamdaman. 3months na po simula nung nanganak ako normal delivery. Possible po bang binat etong nararamdaman ko?sinearch ko sa google related din yung pagiging mainitin ng ulo ko these days. Hindi pa ako nakakabalik sa ob ko e. #pleasehelp #advicepls sunod sunod yung laba ko nitong pasok ng bagong taon tapos nagshift ng routine si bby kaya puyat din at stress at the moment. Wala din ako gana kumain.

Ano ang binat?? Pagkatapos manganak 3months
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwedeng binat mommy . ako naman 2 months si baby ko gabi gabi nanginginig ako sa sobrang lamig na ewan tapos may sinat ako .. mga 1 oras ako nangingilig hndi mapigilan .. tapos yong sakit ng ulo ko eh sobra na yong parang gusto ko na sya iuntog sa pader sa sobrang sakit .. nag decide na akong mag hanap ng maghihilot .. 1 araw lang un mas ok sana kung mga ilang araw .. pero sobrang nakatulong nawala yong parang mga hangin sa ulo ko na nawala yong sakit .. gumaan pakiramdam ko grabi ang binat momshie totoo talaga .. kaya doble ingat po kayo

Magbasa pa