7 Replies

If hindi naman mataas ang sugar mo and tama lang naman ang laki ni baby, hindi mo kelangan magbawas or mag diet. Saktong kain lang. yung nutritionist ko ang sabi nya kelangan ng rice ni baby. If you want na di talaga lumaki dahil sa rice pwede ka mag brown rice. Mas gusto nya pa mag rice kesa sa mga complex carbs like biscuits or crackers, na akala mo nadadiet ka pero kabaligtaran yung effect sayo. More on veggies ka lang mi. Saka meat pero wag yung ma fats. Pero bago ka mag diet diet alamin mo sa utz ano timbang ni baby. Baka kasi maliit naman pala sya tapos nag diet ka. Di for everyone ang pagbabawas mi. Case to case pa din.

hanggat maari 1 to 1/2 cup ka lang every kain ng rice tapos 1/2 to 1 cup pag third trimester ka na. D lang rice ang dpt ilessen pati ibang sources ng sugar like ung matatamis na fruits like mango. and wag ka mag softdrinks at milktea, ang bilis mgpalaki ng baby. wag mo q gyahin, in one week time from 3.1 naging 3.4 c baby q dhl dun. tas sa actual 3.7, na cs tuloy aq.

ako kunq kilan malapit na manqanak saka pa ako marami kumain... kahit pinag bawalan ako kain parin ako nq more kanin kaya nahirapan ako kay baby 35 kasi sukat nq ulo niya tapos sa katawan 33 then height niya is 50 and weight niya is 3.2☺️

Pag malapit ka na mag full term Mi. Para di masyadong malaki si baby kung ang goal mo is normal delivery. Basta healthy diet lang. Bawasan ang rice pero good for two pa dn dapat.

Pag nagutom crackers lang kainin and water, pwde din oatmeal. Lessen sugar and carbs like rice. More meat nalang or fish. Matamis din fruits kaya in moderation lang.

Oh nooo, crackers are not a healthy substitution mi. Mas maganda pa kumain ka ng rice kesa crackers.

Ako mi hindi ako nag stop sa rice pero naka brownrice ako, morning lang ako nag rice, tas madalas wheat bread para hindi lumaki ng sobra si baby

Red rice kanin ko kaya kahit madami ako makain keri lang since isang takal lang sobrang alsa na parang 1 kilo kayumbas sa white rice.

Trending na Tanong

Related Articles