20 Replies
I think po my nasa inyo yan kung naniniwala kayo. Last year po I had miscarriage sudden lost of HB at 13wks. Medjo stress ako that time kasi ang Inlaw ko andaming paniniwala. Parang na e stress ako. Isipin mo ba nman kpag gabi bawal ako maupo sa isang sulok lang dapat pa lipat2 ako every minutes ksi baka na tapatan ako ng aswang sa my bobong. Naka blck ako lagi sa gabi, bawal na lumabas ng bahay. May mga asin bawang bibtana namin.. pag may kunting tunog lang sa bobong aswang na agad. Pag natutulog ako lagi ako na nanaginip ng aswang. Lahat ginwa pru still nawala si baby namin. Ngayon na bntis ako again. Sinabihan ko inlaw ko na wag na ako parinigin na mga aswang o ano man. Peru of course naka black prin ako pag natutulog at di narin lumalabas pag gabi. So far, maganda ang paki ramdam ko. Nakakatulog na ako ng mahimhing sa gabi. Siguro magsisimula yan sa thoughts mo, kung lagi mo ini-isip na my aswang hndi ka talaga mapapanatag. Be positive nalang po tayu mga Mii. ❤️
i remember may ate mlpit n due date nia nun lgi cia ntutulog mlpit s bintana kinbukasan ng umaga may nangyri sknya nhulog cia s hagdan akala nmin mmtay ung bby s tummy peo nkligtas nmn. nung gabi kc nun bgo p mangyri pgkhulog nia s hagdan ngkwento kpitbahay nmin n may nkita cia nkaupo s bubong ng kpitbhay nmin ktpat lng kc nun bintana nmin qng san ntutulog ate q nkita nia humhba dila nia ntkot cia at sumigaw tas umalis ung asawang dhil may nkkita sknya kinabukasn nhulog ang ate q s hagdanan duguan cia nbali ung kmay nia pumutok labi peo bby s tummy n save nia.
sakin mi di ko makalimutan, di ko alam bat di ako makatulog (instinct ko na talaga pag may something since bata ako na di makatulog) tapos may natitinig akong tiktik tas parang amoy sunog na ewan (amoy na sinusunog na balahibo ng kambing) tapos parang may nag lalakad sa may bubong namin may itak ako sa ilalim ng unan ko , tas meron ako nung para sa baby na pang iwas usog na pineperdible sa damit, may bigas , asin, na binasbasan ng holy water, tas may langis na may dasal, pero number 1 na panlaban is prayer mi, at wag ka matutulog sa may malapit sa bintana.
nung una hindi ako naniniwala. tas tatlo kaming buntis dito sa lugar namin (kapitbahay) sa sala ako natutulog non, inaantay ko partner ko. tas sa bubong parang may nag lalakad na tao malakas yung kalampag. tas tumalon sa bubong ng garahe papunta sa kapit bahay. hindi makatulog mama at ate ko non. tas nalaman nalang namin kinaumagahan nag punta yung asawa nung buntis rin na kapitbahay may aswang nga raw. nakita daw nila sa bubong namin.
Sa panganay na Anak ko lagi ako gabi umuwi dahil nagwowork din ako tas after work naggagala gami until 9 months na tummy ko Pumutok na yung panubigon ko mga bandang 9 Pm naggagala kami. Pero wala naman ako laging dinadala na kahit anu pag naggagala kami. Minsan hating gabi Pa kami nag.uuwi. Kun naniniwala ka dun lalo kang Matatakot. San laki muna niyan nakakita kaba? I am also 18 weeks preggy for my 2nd child🥰
Sali ka sa group mi sa fb hahahaha Let's Takutan Pare. Ang daming kwentong aswang don sa buntis haha. Tho ako kasi hindi ako mapamahiin talaga pero somehow sa aswang may takot din ako. Kasi baka mamaya totoo pala hahaha. Mga tips don, baon ka daw ng kalamansi palagi. Sa bahay naman lagay ng walis tingting sa pinto, bawang, asin, kulang nalang maging adobo hahahaha
madami na din ako ginagawa mamsh, lapitin nga daw lalo sa panganay na anak. dati nagtatabi ako ng asin, sinusuot ko ung pinagsuotan na black ng mister ko. now, bawang at asin lagay sa pulang tela ako lang nagawa, tapos lagay mo sa tyan mo banda i perdible mo
Sakin feeling ko Wala naman aswang.. kasi isa lng ako sa bahay at Patay naman ilaw sa loob ng bahay. May ilaw lng sa labas.. aso lng kasama ko sa loob ng bahay dahil pang gabi duty ni mister.. ngaun 24weeks na ko so far wla pa ko nararamdaman or ingay galing sa bubong
pray lang mi. nung di ko pa alam na buntis ako may tumitiktik tlga sa bintana namin. 1st time namin mkarinig ng ganon. sinabihan ni mama na lumayas kang demonyo ka. kinabahan ako non. nung nag pt ako buntis pala ako. 2days na ganon. dasal lang tlga mkakagabay saatin.
magtabi ka lagi sa pagtulog mo buntot pagi at tingting kahit 2 or 3 pirasong walis tingting, tas lagay ka ng bawang sa may bintana at mag bitin ng bawang sa may pinto, lagi kong baon sa office nung buntis ako is buntot pagi, bawang at bala ng baril