Contraction or normal lang?

Hello mga mi. Currently 35 weeks pregnant. After one week pa kasi next appointment ko sa OB ko, hindi rin siya yung macocontact mo since sa secretary siya nagpapa contact so hindi ko matatanong. Sa mga currently pregnant dito, or mga mommies na. Paano niyo madidistinguish ang contraction sa normal lang? Paano masasabing nag cocontract - or pa-labor something? Hindi ko talaga kasi alam eh. Sa una ko kasing pregnancy which was almost 4 years ago, hindi ko alam since induced ako nun and hindi ko na masyadong maalala talaga. Ngayon kasi, always na lang naninigas na parang naninikip tyan ko. Pero hindi ko alam kung normal lang ba na talagang gumaganon tyan ko, since syempre lumalaki na ang baby so lumiliit na space niya sa tyan ko. Like always ganito. Wala naman discharge or anything. Pero yun nga, naninigas palagi. Tapos kapag naglalakad ako, may gagawin, para bang may mabigat sa bandang puson ko. Bibigat na maninikip. Is that contraction na? Huhu#adviceplease

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po yung false contractions o paninigas ng tiyan (Braxton Hicks), it's uncomfortable but not painful. Malalaman nyo na po na active labor contractions na kapag may kasamang sakit (in my experience parang lbm pain/ discomfort). Also kapag yung contractions ay may certain pattern/ frequency na. Like 1 minute for every hour, eventually nagiging for every 15mins na.

Magbasa pa