UTI/Convulsion

Hello mga mi! Ask ko lang po kung meron na sa inyo naka experience ng ganito sa baby ko, 2months & 23days pa lang po sya..kahapon po kasi hindi namin alam na may lagnat pala siya kasi hindi naman siya mainit as in normal lang temp. nya kaya hindi ko pansin na may lagnat pala sya.. bigla sya umiyak ng malakas tapos binuhat ko, nung kumalma na sya ibinaba ko ulit then napansin ko para syang nagugulat tapos tuloy tuloy 'yung pag ganun nya, dinala namin sya agad sa pedia nya, pagdating namin dun knuha temp. nya 38.2 na pala lagnat nya kaya dun lang namin nalaman na nilalagnat po pala. Nagpa lab kami ng ihi and blood nya kaya nalaman po may UTI. 'yung about po sa para syang nagugulat, sign na pala yun ng convulsion. Namana po ng baby ko sa mister ko. 🥺 #advicepls #firstbaby #FTM

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply