Pagsusuka o gasgas sa lalamunan
Mga mi ano ba ginagawa niyo para ma relief pagsusuka niyo. Currently going 13weeks na. Grabe na pagsusuka ko mukhang nagasgas na lalamunan ko tapos sobrang asim pa. Pa help mga mi.

hello mi, magana ka bang kumain? if yes, try mo mag small, frequent meals.. tsaka iwasan mo yung mga sa tingin mo nakakapagtrigger ng pagsusuka mo. nung ako mga 3x lang ako nagsuka pero grabe ang nausea ko. wala kase ako ganang kumain nung 1st trimester ko kaya minsan o madalas hindi agad ako nakakakain kase di ko alam ang gusto ko kainin... (pero I make sure naman na kumakain pa rin ako) so usually, pag naaabutan ako ng gutom, dun ako nasuka o naduduwal. kaya ginagawa ko, nagssnack ako in between meals. pag medyo nagugutom na ako, nakain ako agad ng plain crackers tsaka more water para maiwasan ang dehydration. isa din pala sa nakatrigger sa akin nun yung nasobrahan ako sa maasim, naghyperacidity ako. kaya binawas bawasan ko, kahit nagccrave ako minsan ng mga maasim na prutas 😂 nagstart magsubside yung pregnancy sickness ko around 15-16weeks, mag20 weeks na ako this week. malalampasan mo din yan mi.. gogogo 😁😎
Magbasa pa


