Totoo po bang mapupunta sa baga ang gatas pag hindi napa burp ng tama

Hello mga mi. 2 months and 10 days na yung baby ko at nahihirapan po kami ipaburp siya kahit gawin namin yung mga suggested burping techniques online. So far hindi naman po siya kinakabag kase binubuhat namin siya ng 30mins to 1 hr as what I’ve read here. Pano niyo po pinapaburp si baby at okay lang po ba na hindi siya maburp? Totoo po ba yung sinasabi nila na baka mapunta sa baga yung gatas? #ebf #firsttimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hello Mommy Licensed Doctor and New mom here hindi naman po sya agad agad dederecho sa baga dahil lang hindi naipaburp ng maayos ang tawag po sa iniiwasan natin ay aspiration pneumonia yun po yun kung saan pag lunok ni baby imbis na sa tyan bumaba napupunta po sa daluyan ng hangin papunta ng baga kaya bago po pahigain kahit hindi po nag burp paki hold upright or in burping position 5-10 mins para hindi maipon ang gatas at matulungan si baby mapababa ito sa tyan ng tama

Magbasa pa

sakin po nakatayo si baby sa dibdib tapos lalakad ako sa bhay. pag medyo nagalaw tau makakatulong yun bumaba milk ni baby.