Pwede na ba mag pa-ultrasound?

Mga mi, 1st time mom ako and 18 weeks and 3 days pregnant. Pwede na kaya malaman gender ni baby? Gusto ko na kase magpa pelvic ultrasound. Thankyou

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

i suggest na mga 25 weeks ka mag pa ultrasound pag dating sa gender kasi kahit makita yan ng Ob sono ung gender ng 18weeks ehh sasabihin nila na 70% pa lang papaulit parin yan sayo para masabi 100% na sure yung gender, so ang hirap naman mag gender reveal ka ng ndi pa 100%, kasi ako ganun 4 months nakita na, kaso 70% pa lang daw kaya ipaulit ko pa daw kaya di ako nag paka sure sa naunang sinabi na gender. suggestion lang naman yun naka depende parin sayo . ☺️

Magbasa pa
VIP Member

18weeks ako nung nagpa ultrasound po . kita na agad gender ni baby , pero depende padin yata sa pwesto ni baby kasi merong iba nakatago hehe

depende ksi sa pwesto ni baby mas maigi mga 26 weeks gnun ksi akin nkitan sa pa dalawa ko ultrasound 23 weeks 80% female dpa 100%

17weeks si baby nung nagpa ultrasound ako, nakita naman po. Pero depende pa din po talaga sa pwesto ni baby kung mkikita agad.

Nako mi depende e. Naka depende kay baby mo kung ok position nya sa ultrasound para malaman gender

for me pwede na pero may room for errors pa din. isabay mo nalang sa CAS mo at 22 weeks

yes po sis 18weeks din ako nung nalaman gender ni baby 😊

hintayin mo na lang po mag 6months para sigurado

pwede na kung ok position ng baby mo

2y ago

paano po malalaman? gusto ko na po kase magpa ultrasound ngayon para malaman gender ni baby kase isasabay ko ang gender reveal bukas sa birthday ko