First time Mom - Cesarean
Mga mhie, nanganak na ako Nung Sept 21 via Cesarean section. Ano Po kayang mabibigay nyong tips sa katulad ko na first time mom at the same time Cesarean Mom. Thanks in advance
may magkakaiba na advice ang mga OB. pero sakin, pwede na maligo. pwedeng basain ang tahi. laging linisin ang tahi pagkatapos maligo. hyclens ang bigay ng OB. spray lang then cover ng gauze hanggang sa gumaling. tumayo-tayo at maglakad. need ng assistance para makatayo dahil masakit. si baby lang ang pwedeng buhatin na mabigat. wear binder for recovery. you can do sidelying breastfeeding kung sanay na. delikado lang baka madaganan si baby kapag sobrang antok. gawin na lang during waking hours. importante, anjan si hubby para tumulong sa pagalaga kay baby. salitan kami sa madaling araw. si hubby ang taga burp. alamin ang proper latching position at deep latching para hindi magkaroon ng sore nipples. ang reseta ng OB upon discharge ay conzace at hemarate.
Magbasa pa