Ultrasound Price
Mga mhie magkano po yung pagpapa ultrasound ninyo? nag hahanda kase ako ng budget para sa pagpapa ultrasound para ready na po ako kung sakaling mag request ng ultrasound ang OB ko, Sa tansya ninyo magkano kaya?😁#firsttimemom

avail ka ng mga free laboratory and ultrasound sa public hospital mi.. dito ksi sa Davao nagiging free Pati ung Cas ultrasound pag idaan mo sa Social or Malasakit. umabot ng 8k laboratory and ultrasound ko. pero wala akong nabayaran. need talaga maaga ka.
depende po sa gagawa kung mura or mahal. sa semi private po 300 lng pero ang doctor's fee po ang mahal 900. kaya inabot po ng 1.2k din saakin. 6 weeks palng kc ako nung nagpa ultrasound. hoping next time sonographer nalng para mas mura.
23weeks preggy .ako po manganganak sa public ospital sa trece cavite po kulang kulang dw 2k ultrasound dun di cla natanggap ng ultrasound sa labas pati mga laboratory. huhuhu kaya ako prob. di manlng ako makatipid sa lab at utz huhu
depende sa ultrasound yan. may transv, may pelvic , may CAS at may BPS ultrasound iba2x yan ng price range at kung ang request ba ay kailangan OB SONO ang gagawa or radio sono lang
mine is 900 po San Mateo Rizal, may mga clinic na nagrarange ng 700. sa hospitals naman libo po, depende pa rin po, hanap na po kayo now ng affordable near your area.
depende po if anung klaseng ultrasound sound. transvaginal ko po P800, CAS is P2460 po. pero pwd nman po kau magtanong-tanong po muna pra macompare nyo po price . CSJDM
ilang weeks o months ka na po ba mi? sa akin Kasi ang ultrasound ko via transV umabot po ng 950. depende po siguro un sa ipapagawa po sa iyo.
9 weeks palang ako mhie, nag hahanda lang ako para hindi ako mabigla sa bill.😊
Meron dito samin sa Carmona Cavite kasama every check up ang ultrasound, pero if need mo paprint un copy 1200 bayad... check up 500
dito samin 700 ultrasound last ultrasound ko 700 bayad namin. Sta.Barbara Pangasinan location
ako po nun 800 sa private ospital, pero meron nmn rn murang clinic minsan 500 to 700 lang.




First time mom💕