Tahi sa pwerta

Hello mga mamshies, mag 5 months na si Lo ko di pa rin natutunaw ang tahi ko sa pwerta at medyo may laman pa rin na hindi pa gumagaling. Then may nahahatak akong tahi mula sa loob ng pwerta ko pero natatakot akong hatakin ng tuluyan. Nag reseta si ob ko ng ointment pero out of stock sa market and nung bumalik ako petroleum jelly lang ang nireseta sakin. Di rin tuluyang gumaling. Sa experience nyo po ano pa po kayang ibang pwedeng gawin? And kung natutunaw po ba ang tahi sa pwerta? #pleasehelp

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit ako binawal ng OB mag langgas? Actually not just my OB, pati ibang OB na overheard ko noon sa ward na binawal din sa patient niya iyon. Never din ako nag wash ng maligamgam na water after ko manganak kasi binawal din. Sa 2nd baby ko po ito ha. Sa panganay ko kasi naglanggas ako kasi di din maganda ang pagkakahilom ng tahi ko pero wala din effect ang paglanggas. Bandang huli, tiniis ko nalang at naghilom din ng kusa eventually.

Magbasa pa
2y ago

same po saken momsh .. ganito dn advice pa saken pag mag wawash ako ng betadine ung unang pagsabon ko banlawan ..sa pangalawa wag na babanlawan at hindi dn ako nag maligamgam na tubig pang wash.. 1 week lang magaling na tahi ko . unlike sa panganay ko.naglanggas din ako ng dahon ng bayabas at maligamgam panghugas ko ayon 3mos na nararamdaman ko padin ung sugat sa tahi ko

5months pero hnd padin healed tahi sayo momsh? Sa eldest ko nun 1week lang ok na. Naglanggas ako ng dahon ng bayabas sa maligamgam na tubig at betadine fem wash. Yun ang pinang huhugas ko. Kaya sa 2nd ko if normal gnun padin gagawin ko. Never have a problem

lagyan mo arinola mo ng dahon ng bayabas bagong kulo upuan mo yun momsh mabisa po yun pangtunaw agad sabayan mo rin ng feminime wash na betadine. ganyan ginagawa ko pag bagong panganak 3days lang okay nako.

Ay bat ganon, sakin kasi ang ginamit na sinulid yung natutunaw. 5 months na sayo meron parin? Ipinapatanggal yan alam ko e. Bat dikaba nag follow up check up?

2y ago

Nag follow up check up po ako sabi matutunaw daw ng kusa pero hanggang ngayon di pa rin natutunaw. Yung ibang sinulid po ginupit na ng ob ko. Yung mga nakalawit na sinulid.

opo pinaka the best ay ung dahon Ng bayabas kada CCR ako non ung Ang Pinang hugas ko mejo maligamgam pa nga natuyo agad

VIP Member

try mo mii ung dahon ng bayabas ilalaga at un ung paghuhugas mo lagi .. skin 1 week lang tuyo n

dahon ng bayabas panghugas mo mommy para mabilis matuyo..

Try mo ung bayabas at betadine wash effective un mi

Batadine Fem wash po mabilis makagaling ng sugat.

betadine fminen wash..