Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng bata?
Hi, mga mamshie! Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng baby? May pigsa po kasi sya sa ulo, at isa lang iyon pero ngayon ay dumami na. Ano po bang mga gamot ang puwedeng gamitin? Please help po! Naawa na po kasi ako sa baby ko, hirap na po sya makatulog sa gabi. 6 months na po sya by April 11.
Di kami ang makakatulong sayo. Una pa lang dapat pinacheck up na. Isang pigsa lang masakit na eh hinayaan nyo pa dumami. Kawawa talaga ang anak mo. Kung talaga naaawa ka eh inagapan mo sana.
Bakit pinaabot mo sa ganito yung ulo ng anak mo sis? Huhu nakakaawa., pag may excuse ka pwde mo to madala sa ER lalo na at ganyan na kalala. Magmask ka lang palabas at cover mo yung baby ng maayos.
Ohhh my.. please mag punta ka sa pedia. D lahat ng sasabihin sayo dito magiging hiyang sa baby mo ang pedia pa din ang mas maayos na advice. And please dapat wag hinahantay lumala. 😢
Since walang mga doctor ngayon sis siguraduhin n lang na nalilinisan lagi ulo ni baby at laging tuyo.. antibiotics kc talaga gamot sa pigsa pagpacensya muna kung sino man yung taong minura k..
Yun nga po eh salamat po sa Concern
Naku kawawa naman si baby.. dalhin mo na sa doctor..icoconsider naman yan ngayon na makalabas kayo sis kasi sa condition ni abby..para alam mo kung ano talaga yan, at magamot na..
May mga doctor on duty nmn po. Antibiotic na kc kapag ganyan at delikado kapag sa ulo/face ang nagkapigsa. Mupirocin ang topical cream pero alam ko kelangan ng prescription.
Bactroban ointment mommy yan ung nireseta ng pedia ni baby ko dati nung nagka pigsa sya, tsaka dhil s init ngaun kaya lalong dadami yan, paliguan mo sya ng madalas!!!
Momsh.. sana makatulong. May mga online consultation sa FB if di ka talaga confident ilabas baby mo. https://www.facebook.com/bayanmoipatrolmo/posts/2953657041322186
Kawawa naman sya.. Langgasan mo.. Dahon NG malunggay katas nya.. No side epect an bacteria.. I Lang araw nayan moms. Wag MO muna paka I in Mata is na pagkain
Momsh dont hesitate po pmnta ng hospital kung ganyan na po itsura. tayo nga lang na pausbong ang pigsa hirap na hirap na tayo ano pa kaya ung bata.
Mother of 1 active junior