Bigkis for baby?
Mga mamshie nagbigkis po ba kayo kay baby nyo? Ano pong advice ng pedia nyo? Note: advice ng pedia po ha, hindi po advice ng "matatanda" π Edit: Mga mamshie salamat po sa replies at sa insights. FTM po kasi ako kaya nagtatanong din sa app na to lalo na kung pinagdaanan nyo na. Of course, magtatanong pa rin ako pedia ko hindi lang dito sa app π pasensya na sa mga na-offend. This is supposed to be a safe community po to discuss pregnancy and motherhood with our fellow mothers. Wag po nating gawing pugad ng pagiging disrespectful sa isa't isa, hindi po maganda tignan dahil narereflect po yung pagiging nanay natin. God bless us all po mommiesππ»

for me kasi ang bigkis ay para magkaroon ng shape ung baby lalo na kapag girl ang baby mo pero sa elderly ang bigkis ay para sa pusod para daw di lumuwa habang lumalaki si baby, nag try lang ako magbigkis sa baby girl ko pero six months ko lang sya nagamit di pa uso ung navel sticker para sa pusod ni baby. its your choice if you follow the Pedia kasi di tlaga nila ina advise ang bigkis kasi may risk factor kapag di mo alam gamitin kay baby but if someone advise you how use it right pwede mo din sundin but be mindful kay baby kasi kapag nakabigkis ang baby naten kelangan kapag magpapadede ka di sya lapat na lapat s pagkakahiga kakargahin mo di sya para di sumuka at di mapunta sa baga ung gatas kasi kapag nakabigkis si baby di agad na didigest ung gatas lalo na kapag formula milk dinidede nya need more effort kapag nakabigkis si baby at more attention tlga walang masama kung susunod sa elders kasi sa totoo lang kapag nakikinig tayo sa mas may karanasan na naiiwasan naten magkaroon ng komplikasyon at pagkabinat di lang kay baby kundi para sa ating mga mommy. hopin na nakatulong ito sau Miii stay safe po kayo ni baby ππ
Magbasa paAng advise po sakin ay to just keep baby's pusod clean and dry. Kung mabasa, patuyuin lang po agad. Kaya nagbibigkis para daw hindi madumihan yung pusod. Pero kung yung bigkis mismo ang makakasama kay baby, then let's not do it po. Kung makakatulog, then it's your call po. Always consult pedia pa rin po kung sakaling may mga unsure tayo na gagawin kay baby para mabigyan tayo ng advice. Regarding sa replies, ang dami nang disrespectful sa app na 'to pero nakatago naman sa anonymous. π Lahat naman siguro tayo mag-aagree na gusto lang natin yung BEST for our babies. Kung kanino po tayo makikinig namg advice, nasa sa atin na po yun. Sana kung walang maitutulong o mabuting irereply, skip nyo nalang yung post. Mga nanay din naman kayo, respetuhin niyo po sana kapwa niyong nanay.
Magbasa paOpinyon ko lang po, isantabi na natin ang sasabihin ng pedia, or ang kasabihan ng matatanda. common sense na lang po ang gamitin natin. unang-una ano ba ang naitutulong ng bigkis? makukulob lang ang pusod, lalo na kung basa pa at hindi pa nag fall off, pangalawa, kahit sabihing hindi mahigpit pagkakabigkis, may discomfort pa din yun sa baby, para saan di ba? bakit natin pahihirapan ang baby? tayo ngang matatanda hindi komportable pag may kung anong nakabigkis sa katawan, pano pa ang newborn? Merong mga nakasanayan noon na kapag tinanong mo matatanda bakit nila ginagawa yun, it just doesn't make sense. Ang pinakamagandang gawin, sundin yun sa tingin mong makakatulong kay baby at sa development nya, pero NO-NO kung makakasama.
Magbasa paNo to bigkis talaga according to pedias mi. Belly breathers ang babies. Imagine kung lalagyan mo ng binder yung tyan nila, pano sila hihinga ng maayos? Also yung pusod nila di pa tuyo tapos tatakpan, sasamahan pa ng coin. Possible magka infection po. Nung unang panahon kasi wala naman masyadong studies kaya nag rerely lang sila sa mga sabi ng mga matatanda. Pero 2023 na po kasi and napakadami ng bagong studies na nagproprove na hindi okay ang pag bibigkis. May means and access na po tayo to proper information kaya sana wag na tayo mag rely sa "nakagawian" or "nakasanayan" ng mga matatanda. Di porket nakagawian e tama na. Share ko lang din, yung baby ko no bigkis, 1 wk lang laglag agad pusod tuyong tuyo agad.
Magbasa paNagtatanong lang naman si mommy kung ano advised ng Pedia sa inyo regarding sa bigkis . Yun po kasi ang gusto niya ang sasabihin ng Doctor... for sure alam naman ni mommy kung ano yung sinasabi ng matatanda... nasa desisyon niya paniwalaan ang health professionals.. lahat naman tayo ang gusto natin ay Best sa mga anak natin.. at choice niya paniwalaan yung sa Pedia... kung ang iba ay sa traditional maniwala sa mga old wives . fine walang kaso yan descretion niyo yan bilang magulang kung ano possible mangyari.. Pero Sana onting respeto sa opinion ng bawat magulang .. masyado kasi negative yung Isang thread dito .. hindi naman minamaliit ni mommy ang matatanda kung hindi niya masunod yung ganon bagay..
Magbasa paNot advisable po ang Bigkis by Pedia... sa mga newborn hindi kasi basta basta matutuyo ang pusod ng mga baby Pag nakabigkis.. so bakit nga ba naglalagay po ng bigkis? according sa mga matatanda para daw di bumuwa ang pusod e normally naman malaki talaga ang tyan ng mga baby pabilog ang shape kaya minsan ang tingin nakalabas ng onti ang pusod but eventually habang lumalaki sila lumiliit ang tyan at nagkaron ng muscles part yan ng natural development nila dahil nagkaron na ng muscle strengths sa tyan. .. Isa pa may risk po na mahirapan huminga ang baby sa bigkis kawawa naman di pa naman sila makareklamo..
Magbasa pawala naman masama kung maniniwala sa advice ng matatanda. kung sinabi ng doctor sayo na bawal yung ganito at ganyan edi gawin mo, ikaw parin naman nanay ikaw parin masusunod. ang mga magulang gabay lang yan. nasasayo parin desisyon kung ano susundin mo. nag bigkis ako dati sa 1st born ko wala naman naging masamang epekto sa kanya mas mabilis nga natuyo yung pusod niya pero after non hindi ko na binigkisan kase hindi narin kasya yung bigkis sa kanya π
Magbasa painadvice po saken na ibigkis si baby kasi yung pusod nya po lumalabas kaso di ko po sya binibigkis takot po kasi ako kaya yung asawa ko bili sya nung pants na diaper ayun naging normal naman na yung pusod ni baby sa hospital po kasi pinagbabawal po talaga ang bigkis
not advisable ang bigkis sabi ng pedia...Pero ang sabi ng matatanda ang bigkis is makaktulong para di lumaki tyan ng baby at makakatulong para di masyadong kabagin ang baby .. as for air dry wag mo muna lalagyan ng bigkis agad hanggat dipa tuyo ...
not adviseable po ng pedia ni LO namin ang bigkis.. Ang advise actually is to do nothing.. kahit punasan ng alcohol.. Just keep it dry po.. pupunasan lang ng alcohol if nabasa ng wiwi or pupu or pawis but make sure parin na mapatuyo ng mabuti.
Queen bee of 1 troublemaking little heart throb