mga mhie may chika ako.

hello mga mamshie may gusto lng sana akong ikwento sa inyo sana makapag bigay din kayo ng advice kung meron akong katulad na mga mami na nagkaroon ng financial problem. So eto na nga, Last November na delay ako may kutob na ko ng buntis ako kasi regular ako mag mens nag pt ako ng November 27 1try lng muna tas ayun nga positive tas nagtry ulit ako ng 2beses positive talaga siya. so 3 pt na positive nga. pang 2nd baby ko nato at hindi din ito planado kaya nagkaroon ako ng anxiety na stress din ako kasi hindi pa ako handa. 3y/o naman na yung panganay ko. nag aalala nga din ako kasi kapos pa nga kami hindi pa kami makabawi lalot dumaan tayong lahat sa pandemic so nasa stage pa talaga kami na kapos pa. sabi naman ng asawa ko masaya naman siya kasi magiging dalawa na anak namin at kakayanin niya. siya lng kasi nag wowork simula kasi nung nanganak ako sa panganay ko hindi na ko nakapagwork wala din kasi mag aalaga medjo matanda nadin kasi yung biyenan ko. yung mama ko naman nag wowork din kasi may mga kapatid pa ko na nag aaral. december 10 nag pa check up ako 8 weeks na nga si baby masaya ako nun pero may halong alinlangan kasi baka hindi namin kayanin pero malakas ang loob ng asawa ko soya lagi nag papalakas ng loob ko positive siya lagi kung mag isip kaya nahawa na din ako. sunod na balik sana namin sa ob is january 21 at need ng laboratory 1k plus yun at walang wala talaga kami. so hindi ako nakapagpacheck up hanggang ngayon 2months nako hindi nag papa check up at kahit anong gamot o vitamins wala akong tinetake. nag aalala ako na baka hindi nabubuo c baby umaasa nalang ako sa mga pagkain na kinakain ko. sa tingin niyo mga mamshie malaking epekto kay baby yung nangyayari samin? talagang hirap kami. kung meron man mga mamshie na katulad ako. ano yung naging epekto kay baby nung naka pag pacheck up kayo ulit? thank you po sa sasagot.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

punta ka lang po sa barangay health center mga hipag ko po n buntis din ngaun sa center lang po xa nagpapacheck up may mga libreng vitamins din po doon at sa mga laboratory nmn po ang irerecommend po nila is un mura lang ang singil,kung di ka nmn po maselan at risky ang pagbubuntis n tulad ko kaht sa center lang po kau, kami din po hirap din po s budget at hubby ko lang din ang may work, monthly check up at vit. pa lang po nauubos n sahod ng asawa ko wala pa mga hinihingi na mga test gaya ng lab ultrasound pero para maging safe kami ni baby ginagawan ng paraan ng asawa ko lahat, medyo madami ng utang pero makakabayad din pauti uti tapos sabi pa ni ob magprepare n din ako kc sure n cs ako tipid tipid n lang kami sa ibang bagay

Magbasa pa

wag ka masyado mag alala mii, ung mga badjao walang mga check up yan daming mga anak. basta kumain ka ng masustansiyang pagkain. wag mo gutumin sarili mo. incase na meron na kayo, bili ka agad ng vitamins at milk. basta wag ka kakain at iinom ng bawal. mag tyaga ka rin sa mga public hospital o center may mga free vitamins naman sila binibigay. ingat po

Magbasa pa
2y ago

thank you so much mamshie🥰

yup kasi parang mag aalangan ka talaga imbis na gumawa ng paraan. you can visit on your barangay /public hospital for free prenatal check up.. nag bibigay din sila sa barangay ng free vaccine and free vitamins.. nasa 8 weeks palang yan marami kapa pwedeng gawin makakapag ipon pa kayo.. nasa tao talaga ang gawa.

Magbasa pa
2y ago

actually mhie 17 weeks napo siya ngayon.

kahit folic acid lang mii isingit mong bilin ako un lang binibigay na vits ng tta ko sal ying in.kaya mo yan makakaraos din.