magkaiba ang lumabas n weeks ni baby sa utz
hi mga mamsh,ask ko lng kung tlaga possible na mgkaiba ang lumabas na weeks ni baby sa unang utz ko nun oct2019, June11 daw due date ko kaya expect ko n 36 weeks and 5 days na si baby,pero knina lumabas sa utz ko 39weeks and 2 days na sya,,may24 na due date ko..bakit hndi sila tugma..
PAIBA IBA NA EDD....ALIN PO BA ANG TAMA? Madalas tanungin ng patient yan lalo pag nagpa ultrasound kami after 37 weeks nya. Tandaan na ang EDD ay guide lang, diba nga fake news lang ang due date, hindi sya deadline na kelangan na lumabas ang baby. So pwede 2 weeks earlier or 2 weeks after EDD lumabas ang baby nyo kasi nga 37-42 weeks ang term pregnancy at ang EDD ay 40 weeks. SO ALIN ANG TAMA? ang tama or mas malapit sa totoo EDD nyo is ung EDD sa first ultrasound, ideally first trimester ultrasound, yong transvaginal ultrasound pa lang sya. ang mga late ultrasound lalo na ung late 3rd trimester na, ang EDD nyan naka depende kung ano ang age ng baby sa ultrasound, at ung age ng baby depende naman sa sukat nya sa ultrasound. So example, ginalingan mo kumain kahit sinabi ko sayo na mag limit ka na sa carbohydrates. Lumabas malaki sya sa totoo age nya, then mag iiba na naman EDD mo. Or medyo napa diet ka, hindi sya ganon lumaki, ang lumabas sa sukat nya mas bata sya sa totoo age nya, so mag iiba na naman EDD. Wag malilito. Sa mga late ultrasounds, ang tinitingnan lang namin dyan is ung estimated fetal weight, yong grading ng placenta, fetal presentation and ung amniotic fluid. Ok so wala na sana ma stress sa pa iba iba EDD :) hanapin ang first ultrasound lalo na ung TVS pa lang kasi un ang pinaka malapit na tamang EDD.
Magbasa paNagkaganyan na rin ako dati. Magkaiba sa ultrasound at sa LMP. O nung dati sabay sila o nagkakatugma until such time na-advance si ultrasound. Pero sabi baka daw malaki si baby, na-advance yung paggawa ng ktawan pero yung lungs di pa fully developed. Kya ang mga doktor ang sinusunod ay yung LMP o nagbabase sa first last day of mens mo. Yun ang accurate para sa knila. May diet ako nun habang buntis para di masyado malaki baby.
Magbasa paPero kung magbased naman sa LMP mo which is August 4, 2019 mukang accurate naman sya na May dapat ang EDD mo .. Saken kasi August 18, 2019 ang LMP ko kaya May 28, 2020 ang EDD ko .. 38 weeks and 6 days ako ngayon .. if nagbabago ang EDD ko sa mga ultrasounds ko around 3-4 days lang pagitan .. TVS May 28 Pelvic May 24 CAS June 1 BPS May 30
Magbasa paAko din po eh 39 weeks and 5 days na ako base sa LMP ko pero lumabas sa ultz ko na 35 weeks pa lang ang laki ni baby at June 16 ang nakalagay na EDD ko. Naguguluhan din ako at nagwoworry baka ma-over due ako. Sabi kasi nila maliit si LO ko. Paano po ba yun? 😢
Acu din mag kaiba ang due date ko .. Sa transv ko is JUne25-last mens ko is SEPt.21 Tapos sa pelvic ultrasound ko is MAY31. Kalito . Db ndi ko din alm susundin ko pero sbi ng iba ung transv ang sundin ko . Tska mag pa ulit nlang dw acu ng ultrasound.
Magbasa paSis same here. Ung Ultrasound ko via Transv June 4, Taz ung PBS Ultrasound last month May 25 due. Hindi ko Kasi matandaan first day menstruation ko nung August 2019. Naguguluhan din ako.
Yan kinatatakutan ko huhubells. Aug 5 edd ko since gcq kami natakot din ako lumabas para pa 3rd ultrasound. Balak ko june pa pero lakas ng sumipa minsan di na ako nakakahinga
Ganyan din po ako nag pa ultrasound ako kahapon 24 weeks 1 day nko edd ko sept 7 tapos nung sinabi nunh ob 25 eeeks 1 days na sept 1 daw ang due ko. Kaya naguluhan ako.
Ganyan din ako ..alam ko 19 weeks plang ako,sa una utz ko ,,pero ngpaultrasound ako monday sabi 5months nko.. nkabase din s app na to yung weeks ko
My ganyan po tlaga.. Nka base po yan sa unang huling regla mu po ska sa laki ni baby.. Gnyan din po skin nung ng buntis po aq.. 😊😊😊